Kylie naiyak nang tanungin ni Robin: So wala ba talagang pag-asa? Bandera

Kylie naiyak nang tanungin ni Robin: So wala ba talagang pag-asa?

Therese Arceo |November 27,2021
share this

Kylie naiyak nang tanungin ni Robin: So wala ba talagang pag-asa?

Therese Arceo November 27, 2021 - 01:54 PM

Kylie naiyak nang tanungin ni Robin: So wala ba talagang pag-asa?

NAGKAROON ng keart-to-heart interview ang mag-amang sina Kylie Padilla at Robin Padilla na ipinalabas sa YouTube channel ng aktres ngayong Sabado, Nov. 27.

Sa umpisa pa lang ng video ay mararamdaman mo na ang strong bond na namamagitan sa mag-ama.

Ani pa ni Kylie, ayaw niyang ‘agkaroon ng impression ang mga tao na hindi nila nagagawa ang mga seryosong usapan o hindi sila malapit sa isa’t isa sa totoong buhay.

“There’s this thing na nangyayari sa akin na kapag kasama ko ‘yung tatay ko, nagiging bata ako ulit,” pagbabahagi ni Kylie.

“Na-miss ko nga eh. Magmula nang umibig ka, nakalimutan mo na ang tatay mo,” pabirong saad ni Robin.

Tutol ni Kylie, “Grabe! Hindi naman, Pa! Kasama talaga ‘yun sa journey ng buhay, sa journey ng isang babae.”

Sa nasabing interview ay binalikan ng dalawa ang kanilang memories together simula nang isilang si Kylie.

Sa huling tanong ay tila hesitant pa si Kylie na sabihin ito sa ama.

“Last question, parang ayoko,” natatawang saad ni Kylie.

Na-curious naman si Robin at tinanong ang anak kung ano ito.

“May gusto po ba kayong itanong sa akin?” kinakabahang saad ni Kylie.

Tinanong naman ni Robin kung ilang tanong ang pupwede at agad na sinabi ni Kylie na isa lang.

“Pero okay na kayo? tanong ni Robin.

Ang pinatutungkulan ng aktor ay ang estranged husband ni Kylie na si Aljur Abrenica.

“Oo. Okay na kami. Yes, okay na kami. Thank God,” nakangiting sabi ni Kylie ngunit kita ang lungkot sa mga mata nito.

“Sige nga. Tinitignan kita sa mata kasi hindi ka makakapagsinungaling sa akin,” saad ni Robin na tila hindi nakaligtas sa kanya ang malamlam na mata ng anak.

Sagot ni Kylie, “Okay na po talaga, Pa, promise.”

“Ayoko nang mag-ano basta ang importante, okay kami [para] sa mga bata.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by kylie (@kylienicolepadilla)

“Masakit pa, masakit pa?” muling tanong ni Robin.

“To be honest, Pa, ang mahirap lang talaga doon sa nangyari sa amin is bever ko nang mae-enjoy ‘yung pinapanood ko silang naglalaro,” naiiyak na saad ni Kylie.

“Yun lang kasi alam ko nung dumating na talaga ‘yung time na… hindi na siya nagwo-work but bilang nanay…” tumigil si Kylie at humingi ng konting minuto dahil baka magtuloy tuloy na ang kanyang luha.

“Yun lang kasi favorite ko ‘yun, e. Favorite ko ‘yung pinapanoof ko ‘yung mga anak ko at tatay nila na magkasama.

“Yun lang talaga ‘yung isang bagay na nagtatanong ako ‘Tama ba ito or hindi’ pero kung titignan ko as a whole, mas maganda ‘yung nangyari ngayon kasi hindi na kami toxic.

“Mahapdi sa aking puso na hindi ko na ‘yun makikita, mae-enjoy in that way na buo kami.

“Mas happy na ako ngayon, realistically. Kasi after ng mga nangyari, hindi na ako makakabalik doon, e, sa kung paano ako before. Masyado nang maraming nangyari,” mahabang saad ni Kylie.

Nalungkot naman si Robin para sa anak. Kita rin sa mata ni Robin ma nasasaktan siya sa nangyari sa pamilya ng anak.

“Ako naman yata ngayon ang malulungkot. So wala na talagang pag-asa?” muling sundot ni Robin.

“No, no. It’s best for what it is now kasi tinitignan ko rin. In the future, maging friends kami talaga.

“Ngayon kasi, after ng nangyari, we’re friends, pero there’s a distance. Dumidistansiya na ako kasi siyempre, nagulat ako, pero nga, bilang nanay ako ng mga anak ko, I have to be civil. Try to be the better person, mas mature na tao.

“Naging klaro lang kung nasaan yung priorities niya, so it made it more clear to me. Pero bilang nanay din ng mga anak ko, masakit sa akin ‘yon.

“Hindi ko na nga mae-experience yun sa kanila. Kaya nga I have no shame in saying na ini-stalk ko pa rin kasi gusto kong makita na ‘Oh, okay masaya sila’ na buo pa rin yung relasyon nila bilang mag-tatay so happy na ako.

“Siyempre, on my side, may guilt, e, kasi sorry, yun lang, pero ready na akong mag-move forward talaga.

“Hanggang saan ba yung kaya ko bilang babae na mag-isa lang ako, ganun, so I’m okay.”

“Masaya ka na?” maiksi pero mararamdaman mo ang care at love na tanong ni Robin.

“Yes,” nakangiting sagot ni Kylie.

 

Related Chika:
Robin kinumpirmang hiwalay na sina Kylie at Aljur: Sabi ko lang, tumigil kayo sa social media, nakakahiya!

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending