Robin kinumpirmang hiwalay na sina Kylie at Aljur: Sabi ko lang, tumigil kayo sa social media, nakakahiya! | Bandera

Robin kinumpirmang hiwalay na sina Kylie at Aljur: Sabi ko lang, tumigil kayo sa social media, nakakahiya!

Ervin Santiago |July 08,2021
facebook
share this

Robin kinumpirmang hiwalay na sina Kylie at Aljur: Sabi ko lang, tumigil kayo sa social media, nakakahiya!

Ervin Santiago - July 08, 2021 - 11:45 AM

MISMONG si Robin Padilla na ang nagkumpirma ng isyu tungkol sa paghihiwalay ng celebrity couple na sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica.

Ayon sa action star, hindi raw siya nakikialam sa marital problems ng kanyang mga anak, lalo na kay Kylie dahil naniniwala siya na sila lang ni Aljur ang makakaayos ng mga issue nila bilang mag-asawa.

Sa chikahan nila ng talent manager at vlogger na si Ogie Diaz, nabanggit nga ni Binoe na napag-usapan nila ni Kylie ang tungkol sa hiwalayan nila ni Aljur.

Tinanong ni Ogie si Robin kung paano niya hinarap ang isyung hiwalayan ng mag-asawa, “Wala, wala namang…una, walang sinasabi yung anak ko.

“Noon pa, lagi kong tinatanong si Kylie, ‘Agrabyado ka ba?’ Hindi naman daw, ‘Okay lang ako, Pa.’

“Ito, noong tinanong ko siya ulit, ‘Anak, agrabyado ka ba?’ ‘Hindi, Pa, ako ang nakipaghiwalay, e,'” pahayag ng aktor.

Sey ni Binoe mula noon hanggang ngayon ay hindi siya nanghihimasok sa personal na problema ng mag-asawa, “Wala namang papel ang tatay doon, ako, ha. Ibig kong sabihin, hindi ka dapat makialam kahit na sa away ng mag-asawa ‘yon, e, may mga anak pa.

“Ang sakit, siyempre, sa akin. Siyempre, (babae ang anak ko) at saka nasa akin ang remembrance, e. Naiwan yung…yung mga apo (Alas Joaquin at Axl Romeo) nasa nanay.

“Pero hindi yun ano, hindi isyu yun. Siyempre, walang sakitan ng pisikal. Ako, yun lang naman ang sinabi ko kay Aljur, e,” aniya pa.

Tungkol naman sa chika na may third party involved sa part ni Aljur, hirit ni Binoe, “Meron daw, e. E, kaimposiblehan ba ‘yon? Hindi yun kaimposiblehan. ‘Yun ang sinasabi ko kay Kylie, lalaki ‘yan.”

At naiintindihan daw niya ang sitwasyon ni Aljur kahit si Kylie ang anak niya, “Natural. Sino maiintindihan ko? E, lalaki ako.Kaya lang, hindi na uso ang mga martir ngayon.

“Tanggapin na natin ‘yon, wala na tayo du’n. Yun ang unang-unang sinabi ko kay Kylie noong nag-usap kami. Sabi ko, ‘Lalaki ang asawa mo. Pasalamat ka nga, lalaki, e.’ E, wala, hindi raw niya kaya,” dagdag ng action star.

Feeling naman daw ni Robin ay maayos na naghiwalay ang anak at si Aljur, “Mukha naman. Kasi, noong Father’s Day, nandoon ‘yung mga bata.”

Samantala, pinagsabihan din daw niya ang dalawa na itigil na ang pagpo-post sa social media ng  tungkol sa mga problema nila sa kanilang pagsasana.

“Tumatawag si Aljur sa akin, hindi ko sinasagot. Minessage ko lang siya, sabi ko, ‘Isa lang ang gusto ko, tumigil kayo sa social media, nakakahiya ‘yan.’

“Baduy na baduy ako du’n sa social media. Para sa akin lang, makikita ng mga anak n’yo ‘yan. Sa akin, ang dalawang mag-asawa na hindi na nagkakasundo, hindi kayo dapat maghiwalay nang magkaaway.

“Bakit? Nagmahalan naman kayo, e, nasarapan naman kayo pareho. Hindi kayo kailangang mag-away.

“Dahil ano ang dahilan? Dahil nagtaksil yung isa? Tao ka, mangyayari’t mangyayari ‘yan. Hindi ‘yan pwedeng hindi mangyari. Kalokohan, lalo na nasa showbiz tayo,” paliwanag pa niya.

Nag-sorry ba si Aljur sa kanya? “Hindi na kailangan. Ang baduy nun, pare. Mag-sorry ka kung sinaktan mo nang pisikal. Iba ‘yon, hahantingin kita. Huwag mong gagawin sa anak ko ‘yon. Hindi ko sinaktan ‘yang batang ‘yan. Huwag mong gagawin ‘yon, pare.

“Pero yung mga ganyang nambababae, natatawa pa ako diyan. Sa panahon ngayon, hindi ako naniniwalang may lalaking makakatanggi sa tukso,” aniya pa.

Naniniwala naman siya na mahal pa rin nina Kylie at Aljur ang isa’t isa, “Imposibleng wala ‘yan, meron ‘yan. Sana (maayos). Siyempre, para sa mga bata, sa mga anak nila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“At sana huwag na nilang patagalin kung magbabalikan man sila. Kasi, kapag tumagal ‘yan, masyado nang maraming mangyayari,” sabi pa ni Robin.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending