Jessy inihahanda na ang katawan para sa pagbubuntis: Sana may twins! Bandera

Jessy inihahanda na ang katawan para sa pagbubuntis: Sana may twins!

Ervin Santiago |November 25,2021
share this

Jessy inihahanda na ang katawan para sa pagbubuntis: Sana may twins!

Ervin Santiago November 25, 2021 - 02:18 PM
Jessy inihahanda na ang katawan para sa pagbubuntis: Sana may twins!

WALA pang balak bumalik sa paggawa ng teleserye at pelikula ang asawa ni Luis Manzano na si Jessy Mendiola.

Mas priority daw ngayon ng celebrity couple ang pagkakaroon ng baby kaya naman tutok sila talaga sa pag-aalaga sa kanilang physical and mental health.

Ayon kay Jessy, mula raw nang ikasal sila ni Luis noong February, 2021 at nagsama bilang mag-asawa napakarami nang nagbago sa takbo ng kanyang buhay.

“There’s lots of taking care kasi you have to take care of yourself talaga. Para sa akin yun na nga lang maibibigay ko sa sarili ko ‘di ba, kailangan ko pa i-stop yun?

“All the more dapat alagaan sarili mo because for you to be able to take care of others you have to take care of yourself first. So mas naging maarte ako. Ha-hahaha!” chika ni Jessy.

Pagpapatuloy pa niya, “Nu’ng nag-asawa ako talagang I take care of my hair, my skin, everything. Kapag feeling ko medyo nagiging bloated na ako okay magbawas-bawas tayo sa meat, magbawas-bawas tayo sa mga salty food.

“I think it’s really important kahit wala kang asawa you should take care of yourself. Hindi naman nakaka-haggard ang marriage. It depends.

“Of course it’s all up to you to maintain that glow. Kahit naman things don’t work out, basta ikaw maganda ka. Di ba ganu’n?

“Dapat buo ka dapat. I think wala naman din masyadong adjustment. Nadagdagan lang,” paliwanag pa ng misis ni Luis sa isang panayam.

Kasunod nito, mariing pinabulaanan ni Jessy ang kumalat na chika nitong nga nagdaang buwan na pregnant na siya sa panganay nila ni Luis.

“Actually iniisip ng lahat pregnant na ako, eh. I’m not yet. I’ll tell everyone naman don’t worry about it.

“I miss acting. I miss taping. I miss all of my katrabaho but siguro medyo hindi ko pa siya priority now kasi ang dami ko pang ginagawa na iba.

“I’m really focused on building my life with Luis and yung digital ko rin ang daming nangyayari. But I would love to go back. As in I miss acting, I miss shooting and hopefully sana may good script soon,” paliwanag ng aktres.

Pero sa ngayon, talagang focused muna sila ni Luis sa kanilang married life at prioritize nga nila ngayon na makabuo ng baby.

“Priority din talaga ang health. I’m preparing for that (pregnancy). That’s why hindi pa ako (bumabalik). I still workout naman. Mostly yun yung lagi nilang sinasabi na dapat daw kapag magbubuntis dapat hindi mag-workout, hindi magkilos-kilos.

“But it’s more of kung ano nakasanayan mo in life. Kung ma-workout kang tao you have to still continue doing it. But of course less weights, less strenuous activities,” aniya pa.

Ilan nga ba ang gusto nilang anak ni Luis? “Sabi nga niya gusto niya ng five. Sabi ko, ‘Yung totoo, basketball team?’ Siguro mga three at the most kasi kami din ng sisters ko tatlo kami.

“Sana may twins kasi si daddy yata may twin yung brother niya. So may twins siya na mga kapatid. Sabi ko sana makuha natin yun. Pero sabi sa girls daw ang twins. Most likely magkakaroon ng twins,” aniya pa.

Kamakailan, sa isang YouTube vlog ni Luis, sinabi ng kanyang inang si Vilma Santos na gustung-gusto na talaga niyang magkaapo sa anak.

Related Chika:
Luis sa bashers: Babasahin ko ang comments n’yo na niyuyurakan ang pagkatao ko
Jessy umaming may ‘attitude’; nakatanggap rin ng indecent proposal

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending