Liezl Sicangco rumesbak kay Cristy Fermin: Sobra ka na! Bandera

Liezl Sicangco rumesbak kay Cristy Fermin: Sobra ka na!

Therese Arceo |October 26,2021
share this

Liezl Sicangco rumesbak kay Cristy Fermin: Sobra ka na!

Therese Arceo October 26, 2021 - 03:11 PM

Liezl Sicangco rumesbak kay Cristy Fermin: Sobra ka na!

NAGSALITA na ang ina ni Kylie Padilla na si Liezl Sicangco laban sa kolumnistang si Cristy Fermin.

Ito ay patungkol sa pahayag ni Cristy at sa umano’y source nito na nagsabi sa kanya ng balitang si Kylie umano ang unang nagloko sa kanila ng estranged husband nitong si Aljur Abrenica.

“Sobra ka na Cristy Fermin!!!! Gawin kaya sayo yang pinaggagawa mo, siraan ka ng hindi totoo, gusto mo?”

Ayon kay Liezl, sobra na ang kolumnista at masyado na nitong nasisira ang reputasyon ng kanyang anak na walang kalaban-laban sa “paninira” niya.

Dagdag pa nito, one-sided naman daw ang kaniyang ibinabalita at hindi man lang nito inalam ang totoong nangyari kina Kylie at Aljur.

“Walang kalaban laban ang mga taong sinisiraan mo. One sided ka!!!! Di mo naman alam ang totoo at kung ano ang pinagdadaanan ng tao. Magbago kana bago kapa bawian ng buhay,” dagdag pa nito.

Matatandaang sinabi ni Cristy Fermin sa kanyang program na ayon raw sa source nito ay kahit noong nagsasama pa sina Kylie at Aljur ay may kausap ito palagi sa telepono nito na umaabot pa hanggang madaling araw.

Kaya nga sumagot si Kylie sa kanyang Twitter account at tinawag ang pansin ng kolumnista ngunit binura rin agad.

Dahil dito ay muli ngang nagsalita si Cristy at tinanong si Kylie kung bakit nga ba ayaw pa nitong sagutin si Aljur gayong mabigat ang mga naging paratang nito sa kanya gaya ng siya ang unang nagloko at sumira sa kanilang pamilya.

Matapos ang ilang araw ay umere ang naging tell-all interview ni Kylie kung saan sinagot nito ang akusasyon ni Aljur laban sa kanya.

Sa huli ay pinili na lamang nito na ‘wag nang i-elaborate ang mga nangyari sa kanila na naging resulta ng kanilang hiwalayan dahil nais niyang protektahan ang mga bagay na maaari pa niyang maprotektahan lalo na’t makakaapekto ito sa kanilang mga anak na sina Alas at Axl.

Related chika:
Cristy kay Kylie: Magtayo ka ng sarili mong publikasyon!

Follow us: @banderaphl on Twitter | Bandera on Facebook

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending