Andrea back to work na matapos magpositibo sa COVID-19
BACK to work na si Andrea Brilantes matapos ang kanyang quarantine buhat nang magpositibo sa COVID-19.
Sampung araw ring mag-isa ang bida sa teleseryeng “Huwag Kang Mangamba” para sa kanyang quarantine.
“Ten days na wala kang kasama. Inisip ko na lang na para ito sa ikakabuti ko. Wala eh, no choice. Kinailangan ko lang talagang mag-survive. Nagpapasalamat ako. Buti na lang talaga ay vaccinated ako,” say ni Andrea sa interview sa kanya sa “TV Patrol” recently.
“Sa mga kapamilya natin, magpa-vaccinate na po. Dapat naka-mask and maintain a distance from others. ‘Wag na po sanang lumabas kung hindi naman po talaga kailangan,” payo niya sa mga Kapamilya.
Back to work na ang dalaga sa “Huwag Kang Mangamba” at tuwang-tuwa siya dahil may panibago siyang blessing. Makakasama niya si Seth Fedelin sa bagong serye na may title na “Saying Goodbye” kung saan makakasama rin niya ang sina Andrea Abaya at Kobe Brown.
Samantala, sa “Huwag Kang Mangamba” ay lumalalim na ang hidwaan sa pagitan nina Mira (Andrea Brillantes) at Joy (Francine Diaz) dahil kay Elias (Christopher De Leon).
Halatang lumalayo na rin ang loob ni Joy kay Mira pagkatapos nitong magpakitang muli at umuwi sa Hermoso kasama ang tagapagligtas nitong si Elias.
Pero kung buo ang tiwala ni Mira sa kanya, pinagdududahan naman ni Joy ang totoong intensyon nito dahil hindi niya ito kilala. Maging ang mga kaibigan nina Mira at Joy ay mainit ang pagtanggap kay Elias dahil naniniwala silang malaki ang maitutulong nito sa hangarin nilang ibalik ang pananampalataya ng mga tao kay Bro at pabagsakin ang pekeng healer na si Deborah (Eula Valdes).
Related chika:
Andrea hindi payag na manligaw sa iba si Seth: Hindi ka pwedeng mag-commit sa dalawa
Andrea nanghinayang na hindi inimbita si Seth sa burol ng kanyang lolo
Follow us: @banderaphl on Twitter | Bandera on Facebook
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.