Andrea hindi payag na manligaw sa iba si Seth: Hindi ka pwedeng mag-commit sa dalawa Bandera

Andrea hindi payag na manligaw sa iba si Seth: Hindi ka pwedeng mag-commit sa dalawa

Therese Arceo |October 16,2021
share this

Andrea hindi payag na manligaw sa iba si Seth: Hindi ka pwedeng mag-commit sa dalawa

Therese Arceo October 16, 2021 - 11:01 AM
Andrea hindi payag na manligaw sa iba si Seth: Hindi ka pwedeng mag-commit sa dalawa

SETH FEDELIN AT ANDREA BRILLANTES

AMINADO ang young actress na si Andrea Brillantes na si Seth Fedelin ang pinaka-special sa lahat ng nakilala niya nang mabanggit ito ni Boy Abunda habang ini-interview niya ang dalaga sa kaniyang YouTube show.

“Nalabas niya ‘yung Blythe. Nalabas niya yung ugali ko noong hindi pa ako artista na somehow nakalimutan ko,” paglalahad ni Andrea.

Bukod sa pagiging ka-love team ay isa nga si Seth sa pinakamalapit na kaibigan ng aktres. Halata rin sa mukha ng aktres ang kilig habang pinag-uusapan nila ang binata kaya naitanong na rin ni Tito Boy kung sasagutin ba niya si Seth kapag nanligaw ito sa kanya?

“Kung sasagutin ko man po, siguro after 5 years pa po kami aamin so hindi ko pa muna masasagot ‘yan sa ngayon,” sey nang dalaga.

Mukha namang confident ang dalaga na mag-aantay si Seth hanggang sa puwede nang maging sila.

Base kasi sa pagkukuwento nito ay may “commitment” na sila ni Seth.

Naitanong kasi ni Tito Boy kung papayag ang aktres kung sakaling may ligawan na iba si Seth.

“Ayoko Tito Boy kasi ang commitment, commitment yan. Hindi ka puwedeng mag-commit sa dalawa. Dapat sa isa lang,” saad ni Andrea.

Agad namang nilinaw ni Tito Boy kung nag-commit na nga ba ang dalawa sa isa’t isa.

“May usapan na po. May usapan po kaming magtutulungan parehas. Parehas kami may goal and parehas kami na gusto namin na sana kasama namin ang isa’t isa na marating ‘yung goal namin,” sey ni Andrea.

Chika pa niya, hindi raw siya madalas magselos at mukhang may tiwala rin siya kay Seth dahil alam naman daw nito kung sino ang pinag-seselosan niya.

“Hindi niya kasi nilalapitan ‘yung mga pinagseselosan ko eh,” nakangiting sagot ng dalaga.

Unang nagkasama sina Andrea Brillantes at Seth Fedelin sa “Kadenang Ginto” noong 2018.

Karagdagang ulat:
Seth Fedelin may promise sa madlang pipol; nagse-share na ng secrets kay Andrea
Napakain ko ang pamilya ko dahil sa social media!

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending