Seth Fedelin may promise sa madlang pipol; nagse-share na ng secrets kay Andrea | Bandera

Seth Fedelin may promise sa madlang pipol; nagse-share na ng secrets kay Andrea

Ervin Santiago |March 19,2021
facebook
share this

Seth Fedelin may promise sa madlang pipol; nagse-share na ng secrets kay Andrea

Ervin Santiago - March 19, 2021 - 09:34 AM

NAG-LEVEL-UP na ang special friendship ng Kapamilya loveteam na sina Andrea Brillantes at Seth Fedelin.

Halos two years na ang tambalan nilang SethDrea na nagsimula sa hit afternoon drama series na “Kadenang Ginto” at hanggang ngayon nga ay mainit na mainit pa rin ang pagtanggap sa kanila ng fans.

Ayon kay Seth, totoong mas lumalim pa ang samahan nila ni Andrea at naging mas espesyal pa ang turingan nila sa isa’t isa.

“Umabot na sa point na nagkakainisan kami sa isa’t isa. Ganu’n na yung bond namin. talagang pag may personal family na problema nandiyan ako at nandiyan siya para pagsabihan namin ang isa’t isa.

“Hihingi kami ng advice sa bawat isa, sinasabi ko kung ano dapat niyang gawin. Kasi sinasabi ko sa kanya kung ano yung problema dito sa bahay minsan, problema sa sarili ko, tapos sinasabi niya problema niya sa sarili niya.

“Ganu’n na kalapit yung loob namin sa isa’t isa. Hindi lang basta trabaho, hindi lang basta kilig yung ipinapakita namin sa tao,” pag-amin ni Seth.

Ano naman ang mga bagong nadiskubre niya kay Andrea noong sumabak na uli sila sa lock-in taping para sa bago nilang serye, ang “Huwag Kang Mangamba” kasama ang dalawa pa nilang ka-Gold Squad, sina Kyle Echarri at Francine Diaz.

“Ganu’n pa rin naman siya. Wala naman siyang pinagbago. Kumbaga wala akong nakitang bago sa kanya sa mga past lock-in namin kasi naipakita na niya sa akin yung ganung pag-uugali,” sabi ni Seth.

Samantala, todo naman ang pasasalamat ng binata sa ABS-CBN dahil sa patuloy na pagbibigay sa kanya ng proyekto sa kabila ng pandemya.

“Sobra akong nagpapasalamat sa lahat ng tao na nagtiwala sa akin siyempre. Pero nu’ng una talaga na binigyan nila ako ng Gold Squad at Kadenang Ginto talagang sobrang kaba ko. Ayoko kasi na may taong nadi-disappoint sa akin.

“Mas masakit sa akin na maka-disappoint at hindi ko maabot yung expectations ng tao, yung parang ganu’n. Yun yung naiisip ko para gawin ko yung best ko kahit sa maliit na bagay na ibigay nila sa akin.

“Kahit sa simpleng vlog ibigay ko yung best ko at huwag ako tatamad-tamad. Para may kasunod. Para mapatunayan ko sa kanila, mapatunayan naming apat (Gold Squad) sa kanila, sa mga nagtiwala sa amin, ay pinahalagahan namin yung binigay niyo sa amin na opportunity, yung ganu’n,” lahad ni Seth na sinasabing susunod sa yapak ni Daniel Padilla.

Nagpasalamat din siya sa mga co-stars niya sa “Huwag Kang Mangamba” na todo rin ang pag-alalay sa kanya.

“Unang taon ko sa landas na ‘to, pangarap ko na may makasamang mga ganitong tao na tinulungan ako. Yung nakatagpo ako ng mga tulad nila na hindi lang basta trabaho.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Alam mo yung pag nasa likod ng camera kuwentuhan, payuhan, turo, ganu’n. Kaya gagawin ko talaga yung best lalo na sa bagong show na ito. Ipapakita ko na hanggang ngayon si Seth pa rin na nakilala nila nung una na ganyan na nag-grow dahil sa tulong nilang lahat,” pangako ng binata.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending