3 patay sa salpukan ng motor at kotse sa Batangas Bandera

3 patay sa salpukan ng motor at kotse sa Batangas

share this

3 patay sa salpukan ng motor at kotse sa Batangas

July 03,2021 - 09:35 PM


Patay ang tatlo katao matapos magsalpukan ang isang motorsiklo at kotse sa Sto. Tomas City, Batangas.

Nakilala ang mga nasawi na sina John Paolo Lopez, 21, drayber ng motor at angkas nitong si Carolina Lopez, 40 anyos.

Patay din ang isang pasahero ng kotse na nakilalang si Jaime Guevarra.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, tumakas ang drayber ng kotse na nakilalang si Jerick Guevarra.

Sugatan din ang isa pang pasahero ng kotse na si Bon Andre Dimaculangan.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga pulis kaugnay sa aksidente.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending