Mga Pilipino, pinayuhang huwag maging kampante kasunod nang muling pagsirit ng Covid-19 cases
Hinimok ni Speaker Lord Allan Velasco ang mga Pilipino na manatiling vigilant at patuloy na mag-ingat hanggang sa lumawak na ang masasakop ng Covid-19 vaccination.
Apela ito ni Velasco kasunod nang muling pagtaas ng naitatalang kaso ng Covid-19 kada araw.
Paalala nito, kahit nagbukas na ang maraming negosyo at marami ang gusto nang bumalik sa normal na mga gawain, dapat panatilihin ang health protocols hangga’t nariyan ang banta ng virus na matutugunan lamang ng vaccination program.
Ayon sa Speaker, ang pagdating ng bakuna sa bansa at pag-uumpisa ng bakunahan ay hindi rason para maging kampante.
Kailangan anyang hintayin na mabakunahan ang malaking bahagi ng populasyon at makamit ang herd immunity.
Kaya naman habang hindi pa ito nangyayari, binigyang diin ni Velasco na mahalagang huwag magpabaya at sumunod sa lahat ng health at safety protocols.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.