Bagyong Auring humina, Signal No. 1 nakataas sa ilang lugar
Bahagyang humina ang Bagyong Auring.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), hindi na halos gumagalaw sa kinatatayuan nito ang bagyo na nananatiling nasa karagatan ng Pilipinas.
Taglay ng bagyo ang hangin na may bilis na 75 kilometro kada oras at pagbugso na 90 kilometro kada oras.
Namataan ang bagyo sa 475 kilometro sa silangan timog-silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Nakataas ngayon ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 sa Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, Cebu, Negros Oriental, Bohol, at Siquijor.
Nasa Signal Number 1 din ang Dinagat Islands, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Davao Oriental, Davao de Oro, Davao del Norte, Davao City, Camiguin, Misamis Oriental, Misamis Occidental, Lanao del Norte, Bukidnon, at Lanao del Sur.
Inaasahang tatama sa kalupaan ang bagyo sa silangang baybayin ng Caraga region sa Linggo ng umaga o hapon at tatawid sa Visayas at Mimaropa region.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.