2,100 na pasahero stranded dahil sa Bagyong Auring
Aabot sa 2,100 na pasahero ang stranded ngayon sa iba’t ibang pantalan sa Visayas at Mindanao dahil sa patuloy na pananalasa ng Bagyong Auring.
Ayon sa ulat ng Philippine Coast Guard, 30 vessels, isang motorbanca at 776 rolling cargoes ang stranded ngayon sa mga pantalan ng Northern Mindanao region, North Eastern Mindanao, Eastern Visayas at Central Visayas.
Pinagbawalan ng PCG ang mga sasakyang pandagat na maglayag dahil sa malalakas na alon dulot ng bagyo.
Nakataas ngayon ang signal number 1 sa ilang lugar sa Visayas at Mindanao region.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.