Ilang domestic flights ng PAL, kanselado dahil sa Bagyong Auring | Bandera

Ilang domestic flights ng PAL, kanselado dahil sa Bagyong Auring

- February 20, 2021 - 01:35 PM

pal philippine airlinesKinansela ng Philippine Airlines (PAL) ang ilang domestic flights dahil sa Tropical Storm Auring.

Sinabi ng airline company na ito ay para sa kaligtasan ng kanilang mga pasahero.

Simula February 20, 21 at 22, 2021, kanselado ang flight sa ilang bahagi ng Pilipinas kung saan inaasahang maaapektuhan ng naturang bagyo.

Narito ang mga kanseladong biyahe:

February 20 – Sabado:
– PR2934/PR2935 (Manila- Butuan- Manila)
– PR2525/PR2526 (Manila- Cagayan de Oro- Manila)
– PR2361/PR2362 (Cebu- Butuan- Cebu)
– PR2363/PR2364 (Cebu- Davao- Cebu)

February 21 – Linggo:
– PR2519/PR2520 (Manila- Cagayan de Oro- Manila)
– PR2521/PR2522 (Manila- Cagayan de Oro- Manila)
– PR2525/PR2526 (Manila- Cagayan de Oro- Manila)
– PR2773/PR2774 (Manila- Tagbilaran (Panglao)- Manila)
– PR2934/PR2935 (Manila- Butuan- Manila)
– PR2985/PR2986 (Manila- Tacloban- Manila)
– PR2983/PR2984 (Manila- Tacloban- Manila)
– PR2971/PR2972 (Manila- Siargao- Manila)
– PR2886/PR2887 (Manila- Ozamiz- Manila)
– PR2313/PR2314 (Cebu- Cagayan de Oro- Cebu)
– PR2374/PR2375 (Cebu- Siargao- Cebu)

Ayon sa PAL, mahigpit silang magmo-monitor sa lagay ng panahon para sa kanilang operasyon sa mga paliparan sa Mindanao at ilang parte ng Visayas.

May opsyon naman ang mga pasaheero na mag-rebook ng flight, refund ng ticket o i-convert ang ticket para maging travel voucher.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending