Nurse sa California nagpositibo sa Covid-19 higit isang linggo matapos mabakunahan | Bandera

Nurse sa California nagpositibo sa Covid-19 higit isang linggo matapos mabakunahan

Dona Dominguez-Cargullo - December 31, 2020 - 12:48 PM

 

FILE PHOTO: Vials with a sticker reading, “COVID-19 / Coronavirus vaccine / Injection only” and a medical syringe are seen in front of a displayed Pfizer logo in this illustration taken October 31, 2020. REUTERS/Dado Ruvic/Illustration/File Photo

Nagpositibo sa coronavirus ang isang nurse sa California mahigit isang linggo makaraan siyang mabakunahan kontra Covid-19.

Ang 45-anyos na nurse na tinukoy lamang bilang “Matthew W.” ay tumanggap na ng bakuna ng Pfizer.

Nagtatrabaho siya sa dalawang local hospitals sa California.

Maliban sa bahagyang pamamaga ng lugar na binakunahan sinabi ni Matthew na wala namang ibang side effects sa kaniya ang bakuna.

Anim na araw ang nakalipas matapos siyang mabakunahan, nakaranas ng muscle pain at panghihina pag-uwi niya galing sa shift sa Covid-19 unit.

Nang magpasuri siya ay nagpositibo siya sa Covid-19.

Ayon kay Christian Ramers, infectious disease specialist sa Family Health Centers ng San Diego, hindi nakapagtataka ang nangyari sa nurse.

Dahil noong clinical trial ng bakuna, 10 hanggang 14 na araw ang kailangan para mag-develop ang proteksyon sa matuturukan nito.

Ayon kay Ramers, ang unang shot ng bakuna ay makapagbibigay ng 50 percent ng proteksyon at ang second dose ay makapagbibigay ng hanggang 95 percent protection.

 

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending