2 pulis na nagpakita ng kabayanihan sa kasagsagan ng rescue ops sa Cagayan at Isabela, pinarangalan | Bandera

2 pulis na nagpakita ng kabayanihan sa kasagsagan ng rescue ops sa Cagayan at Isabela, pinarangalan

Ulat ng Bandera at Radyo Inquirer - November 17, 2020 - 08:38 AM

Si Pat. Brayan Bangayan (kaliwa) habang nagpapaanak sa isang ginang sa kasagsagan ng pagbaha sa Tuguegarao City. Makikita naman si Pat. Jayrick Talosig (kanan) habang nagliligtas sa taong apektado ng pagbaha sa Ilagan City.

Binigyan ng pagkilala ang dalawang pulis na kapwa nagpakita ng natatanging kabayanihan sa rescue operations sa naranasang pagbaha sa Cagayan at Isabela dulot ng Bagyong Ulysses.

Sa idinaos na flag raising ceremony ng Police Regional Office-2, ginawaran ng Medalya ng Kasanayan o PNP Efficiency Medal si Pat. Brayan Bangayan.

Ito ay dahil sa pagsagip ni Bangayan at pagpapaanak sa isang ginang sa kasagsagan ng pagbaha sa Tuguegarao City.

Dahil din sa ipinakitang katapangan ng isa pang pulis, si Pat. Jayrick Talosig, ginawaran naman ito ng Medalya ng Kadakilaan.

Iniligtas ni Talosig ang dalawang lalaki na kinabibilangan ng isang Sangguniang Kabataan chairman mula sa hanggang leeg na baha sa Ilagan City, Isabela.

Pat. Jayrick Talosig (kaliwa), at Pat. Brayan Bangayan

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending