Lalaking ninakawan ng cellphone gumanti, motor ng snatcher kinuha papuntang presinto
NALOKA ang mga otoridad sa kakaibang plot twist ukol sa lalaking ninakawan ng cellphone na gumanti sa kanyang snatcher.
Sa pamamagitan ng Facebook live na ibinahagi ni Police Colonel Jaime Santos ng Las Piñas City Police Station ay iniharap niya sa publiko si Mark Russel Zapata.
Paglilinaw ng opisyal, ang lalaking iniharap niya sa publiko ay hindi suspek bagkus ito ay ang biktima matapos ma-snatch ang kanyang cellphone sa Alabang-Zapote road na nagkakahalagang PHP10,000.
“Pagka-snatch sa kanyang cellphone, siya po ay nakipagbuno sa snatcher na may dala-dalang motor,” pagbabahagi ni Police Col. Santos.
“Nang maagaw po yung cellphone niya, tumakbo po yung snatcher. Pagtakbo po ng snatcher, naagaw naman niya ang susi ng motor nito. At itinakbo naman niya ang motor ng snatcher,” medyo natawang sabi ng opisyal.
Ayon pa sa pulis, pambihirang kaso ang kanilang tinatahak.
“Yan po ang problema na tinatahak namin ngayon. Napakapambihira po ng kaso na ito dahil ito ay nangyayari lamang sa TikTok,” lahad ni Santos.
Madalas kasi ang mga scripted videos sa TikTok for the views at ngayon nga ay tunay na kaso na ang kanilang na-experience.
Tanong nito kay Mark, “Nanonood ka ba ng TikTok?”
Baka Bet Mo:
Sumagot naman ng “oo” ang complainant.
Lahad pa ng opisyal, dahil napapanood ni Mark ang mga ganoong video, doon siya nakakuha ng ideya sa sitwasyon.
“Nakipagbuno siya sa snatcher, tumakbo ang snatcher dala ang cellphone niya.
“Samantalang siya, nakuha naman niya ang susi. Sinakyan niya ang motor at itinakbo niya, siyempre.
“Yung cellphone niya, itinakbo ng snatcher. Yung motor, itinakbo niya rito [sa presinto],” kuwento pa ni Santos.
Maririnig naman ang tawanan ng mga taong nasa harap ng opisyal.
“Kaya ito po ay ipa-follow up. Bagama’t natatawa kami pare-pareho, ang aming imbestigador ay pupunta sa Bacoor. Kasi naiwan po yung ID ng pinaghihinalaan niyang nang-snatch na taga-Bacoor,” pagbabahagi ni Santos.
Sey pa ng opisyal, kaya sila nag-live sa Facebook ay upang makita ng madlang pipol na nangyayari rin sa totoong buhay ang mga tulad ng scripted videos sa social media.
Hindi naman mapigilan ng mga netizens ang matawa at magkomento sa post ni PCol. Santos ukol sa lalaking ninakawan ng cellphone na gumanti at nagtangay ng motor ng magnanakaw papuntang presinto.
“Good deal,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “Nice one straight swap.”
“Mas mahal yung motor kaysa phone. Good job hahahahahah,” sey naman ng isa.
Kisses nabiktima na rin ng snatcher sa EDSA: Pero nabawi ko rin po sa magnanakaw yung cellphone
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.