Kisses nabiktima na rin ng snatcher sa EDSA: Pero nabawi ko rin po sa magnanakaw yung cellphone | Bandera

Kisses nabiktima na rin ng snatcher sa EDSA: Pero nabawi ko rin po sa magnanakaw yung cellphone

Ervin Santiago - October 14, 2021 - 12:39 PM

NARANASAN na rin pala ng young actress na si Kisses Delavin ang manakawan nang maabutan sila ng traffic sa kahabaan ng EDSA.

Kuwento ng Miss Universe Philippines 2021 Top 10 finalist nabiktima na rin siya at ang kanyang tatay ng mga snatcher na naglipana sa EDSA ilang taon na ang nakararaan.

Ayon kay Kisses hinablot daw ng mga magnanakaw ang cellphone niya pati ng kanyang ama nang maipit sila sa traffic habang binabaybay ang kahabaan ng EDSA.

Naikuwento ito ng dalaga nang mag-guest siya sa “Bawal Judgemental” segment ng “Eat Bulaga”. Aniya, nangyari raw ito habang nag-aaral pa siya sa college.

“Actually naranasan ko na po na ma-snatchan sa loob ng sasakyan. Kasi traffic po sa EDSA, eh ako naman wala naman akong pakialam kasi iniisip ko wala namang magnanakaw sa mundo,” simulang chika ng aspiring beauty queen.

Patuloy pa ng aktres, “So, nagse-cellphone po ako tapos kinuha po ‘yung cellphone ko ng magnanakaw sabay sila pati ‘yung sa front sa Daddy ko kinuha rin ‘yung cellphone.”

Ngunit naging mabilis ang utak at kamay ni Kisses nu’ng mga sandaling iyon kaya nakuha rin niya pabalik ang kanyang cellphone mula sa snatcher.

“Pero po nabawi ko sa magnanakaw kasi pagkuha niya ng cellphone ko, kinuha ko rin, snatch back,” natatawang sabi pa ng youngstar.

Pero aniya, “Yung isang cellphone ng Daddy ko nakuha niya, pero sabi ko okay lang at least ‘yung isa hindi nakuha, inagaw ko ulit.”

Kaugnay na ulat: Kisses matinding workout, diet ang ginawa para sa Miss Universe PH; lumafang ng crispy pata after ng pageant

* * *

Sa loob lamang ng siyam na buwan, ang Vivamax, na hawak ng Viva ay umabot na sa 1 million subscribers, kaya naman ito na ang fastest-growing streaming platform sa Pilipinas.

Nagsimula ang streaming service sa Pilipinas at ’di nagtagal ay umabot na sa Middle East at Europe na agad nasundan ng Hong Kong, Japan, Singapore at Malaysia.

Simula ngayong October, available na rin ang Vivamax sa Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macau, Vietnam, Maldives, Australia at New Zealand.

Sa December, mas lalawak pa ang maaabot nito dahil magiging available na rin ito sa USA, Northern Marianas Island-Saipan, Guam, Hawaii at Canada. Aabot na sa 71 global territories ang Vivamax mula nang ito’y mag-live.

Sa mga bagong original movies na nagpe-premiere linggu-linggo, kasama ang pinakamalaking library ng local at Korean movies, at dagdagan pa ng ’di mapapantayang line-up ng Hollywood blockbusters, nagtagumpay ang Vivamax sa paghahatid ng cinema experience sa lahat ng tao sa kanilang mga smartphone at sa pamamagitan ng TV casting.

Patunay sa dedikasyon nito ay ang line-up ng mga bagong pelikula na ilalabas sa 4th quarter ng 2021. Tampok ang mga pinakamalaki at pinakasikat na mga artista, at iba’t ibang movie genres na pasok sa panlasa ng bawat Pinoy.

Narito ang mga bagong pelikula na ilalabas sa huling quarter ng taon: Ang Manananggal na Nahahati Ang Puso ni Direk Darryl Yap, tampok ang bagong loveteam nina Aubrey Caraan at Marco Gallo; Shoot! Shoot! Di Ko Siya Titigilan, ang sexy comedy kasama sina Andrew E., AJ Raval, Sunshine Guimary, Juliana Parizcova Segovia, Wilbert Ross at Ali Khatibi sa ilalim ng direksyon ni Al Tantay; Ang Pamilyang Hindi Lumuluha, isang family drama na tinatampukan nina Sharon Cuneta, Niño Muhlach at Moi Marcampo directed by Mes de Guzman at ire-release sa Oct. 15; Sarap Mong Patayin nina Lassy Marquez, Kit Thompson at Ariella Arida na dinirek ni Darryl Yap at mapapanood sa Oct. 15.

Ang sexy thriller na House Tour tampok sina Cindy Miranda, Diego Loyzaga, Sunshine Guimary, Mark Anthony Fernandez, Marco Gomez at Rafa Siguion-Reyna sa ilalim ng direksyon ni Roman Perez Jr., streaming on Oct. 22; Sa Haba ng Gabi nina Kim Candy Pangilinan at Jerald Napoles na pinamahalaan ni Direk Miko Livelo’t mapapanood na sa Oct. 29; Ang HRNA, A Digital Concert featuring Adie, Arthur Nery, Rob Deniel and Unique sa Oct. 29; Tala: The Film Concert ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo;

Nariyan din ang comedy movie na Barumbadings tampok sina Joel Torre, Mark Anthony Fernandez, Jeric Raval at Baron Geisler sa ilalim ng direksyon ni Darryl Yap at magsisimulang i-stream sa Nov. 5; ang sexy thriller na Mahjong Nights kasama sina Angeli Khang, Sean de Guzman, Jay Manalo, Mickey Ferriols, Arnell Ignacio, Liz Alindogan at Jamilla Obispo sa Nov. 12; Ang Yassi Pressman-JC Santos-Diego Loyzaga starrer na Pinoy adaptation ng blockbuster Korean tearjerker, More Than Blue, kasama si Ariella at dinirek ni Nuel Naval sa Nov. 19; Beksinated comedy concert ng Beks Battalion nina Chad Kinis, MC Muah at Lassy Marquez sa Nov. 19; Ang drama-romance na My Husband, My Lover nina Kylie Verzosa, Marco Gumabao, Cindy Miranda sa ilalim ng direksyon ni Mac Alejandre sa Nov. 26.

Nagbabalik naman ang sex goddesses na sina Alma Moreno, Rosanna Roces, Maui Taylor at Ara Mina sa sexy comedy na Pornstar 2 kasama ang mga bagong ilo-launch na sina Cara Gonzales, Sab Aggabao, Ayanna Misola at Stephanie Raz sa ilalim pa rin ng direksyon ni Darryl Yap sa Dec. 3.

Nariyan din ang onscreen team-up ng real-life sweethearts na sina Diego Loyzaga at Barbie Imperial na Dulo, directed by Fifth Solomon sa Dec. 10; Crush Kong Curly nina AJ Raval at Wilbert Ross sa Dec. 10; ang sequel ng comedy film na Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo na Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo at Sang Gay na pinagbibidahan muli nina Andrew E., Dennis Padilla at Janno Gibbs kasama na ang komedyante ring si Bayani Agbayani sa direksyon ni Al Tantay sa Dec. 17.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang launching pic nin Rose Van Ginkel na Eva sa Dec. 17; ang comedy horror ng magkapatid na Toni at Alex Gonzaga, Exorsis, sa Dec. 24; at ang Mang Jose starring Janno Gibbs, Jerald Napoles Mikoy Morales, Manilyn Reynes and Bing Loyzaga sa Dec. 31.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending