Kisses matinding workout, diet ang ginawa para sa Miss Universe PH; lumafang ng crispy pata after ng pageant Bandera

Kisses matinding workout, diet ang ginawa para sa Miss Universe PH; lumafang ng crispy pata after ng pageant

Therese Arceo |October 05,2021
share this

Kisses matinding workout, diet ang ginawa para sa Miss Universe PH; lumafang ng crispy pata after ng pageant

Therese Arceo October 05, 2021 - 07:44 PM

MARAMI ang naaliw sa recent interview ni Kisses Delavin matapos ang nagdaang coronation night ng Miss Universe PH 2021.

Sa Kapuso morning show na “Unang Hirit” ay ibinahagi niya ang kanyang naging journey sa pagsali sa naturang beauty pageant pati na rin ang kuwento sa likod ng viral video kung saan makikita siyang umiiyak.

“Sa backstage po, ang daming emotions. I think lahat kami, umiyak kasi nandoon ‘yung family namin tapos inaalala namin ‘yung mga designers namin, ‘yung lahat ng pagod, ‘yung friendship.

“Ang sarap sa feeling nang matapos ‘yung pageant not because you want it to be over but because you realized how much you gain,” sey ng dalaga.

“Share ko lang na na-sad din ako kasi especially naging close na ako sa mga sisters ko and unlike me, who can still join again because I’m just 22, others are already 28 so not everybody can join again,” dagdag pa nito.

Amin nito, ang naging tawagan raw nila ng mga nakasama niya sa pageant ay “queen sisters”.

Ikinuwento rin nito ang naging weight loss journey at mga naging preparations para sa MUPH 2021.

“Naku, during pandemic po medyo naging chubby po ako kasi naging kain nang kain, tulog kasi nasa Masbate lang so numg mag-decide po ako na gusto ko nang mag-join ng beauty pageant, Miss Universe, my biggest dream, talagang dinedicate ko talaga lahat ng effort ko so MWF workout, grabe po!

“As in looking back, sabi ko I feel proud of myself. Sabi ko, ‘Thank you God, binigyan mo ako ng energy’. Yung mga workout po nila Papa John, I’m just really grateful kasi araw-araw po ‘yun and kailangan doet rin po. Eating right and exercising regularly. Grabe, first time ko pong nag-exercise at nag-diet sa buong buhay ko,” kuwento pa ni Kisses.

Curious naman sila Lyn sa kauna-unahang meal na kinain ni Kisses matapos ang beauty pageant at napag-alaman nilang crispy pata ito.

Nagpaabot naman ng mensahe ng pasasalamat si Kisses para sa mga beauty queens na sina Rabiya Mateo, MJ Lastimosa at Pia Wurtzbach sa mga positive comments nito sa kaniya.

“I’m very grateful kasi siyempre marami pong support sa ‘kin pero also, I keep in mind ‘yung lahat nang pwede ko pang points for improvement kasi this is really my big dream, Miss Universe crown, so I think that I’m in a good direction so I’ll keep in my the positive comments and also the points for improvements so that when I do represent the country, talagang all aspects, perfect na.

“Actually natuwa po talaga ako sa mga comments nila kasi siyempre po grabe po ‘yung pagod sa pageant. Hindi po biro ang beauty pageant. Feeling ko po kaya ako naging batak, kaya ako nagong fit kasi araw-araw nagbubuhat ako ng maleta,” natatawang sey ni Kisses.

Nang tanungin kung may balak na itong sumali ulit sa pageant sa susunod na taon ay wala namang konkretong naging sagot ang dalaga.

“Ako po, I’m just gonna let myself be surprised by myself kasi ako rin everyday, nasusurprise kung ano ‘yung bago kong ideas. I’m just very open. I’m just looking at the positive side. I am very sure that I will continue in this path kasi this is my dream,” sagot ni Kisses.

Nagpaabot naman ng pagbati si Anthony Pangilinan, ama ng dating ka-love team ng dalaga na si Donny Pangilinan sa naging journey nito sa MUPH.

“You’ve come a long way, Kisses. And you’re just getting started! So much ahead of you. Congratulations,” saad nito.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending