Jessy sa bashers ni Luis: Hindi nila alam, gumagalaw ka na para sa mga nawalan ng trabaho | Bandera

Jessy sa bashers ni Luis: Hindi nila alam, gumagalaw ka na para sa mga nawalan ng trabaho

Ervin Santiago - July 22, 2020 - 09:58 AM

 

TILA sinagot na ni Jessy Mendiola ang patutsada ni Angel Locsin sa mga Kapamilya stars na umano’y nananahimik lang sa mapait na sinapit ng ABS-CBN.

Ibinandera ni Jessy sa madlang pipol ang efforts ni Luis sa paghahanap ng paraan para matulungan ang mga empleyado ng network na nawalan ng trabaho matapos itong pagkaitan ng bagong prangkisa.

Marami ang nagkomento na ito marahil ang paraan ni Jessy para ipagtanggol ang kanyang boyfriend matapos paringgan ni Angel ang mga kapwa artista na dedma lang sa pagsasara ng istasyon.

Sey ni Jessy, saludo siya kay Luis dahil talagang naglalaan ito ng panahon para makatulong sa mga Kapamilya employees na nakasama sa retrenchment.

Busy daw ang TV host-comedian ngayon sa pag-organize ng job fair, “This man has been working on the phone for the past 3-days.

“Meron siyang ginagawang job fair group kasama ang iba niyang kaibigan, para mailipat at makatulong sa ibang Kapamilya employees na nawalan ng trabaho,” caption ni Jessy sa ipinost niyang litrato ng kanyang boyfriend.

Aniya pa, “Alam ko na hindi ko na dapat ito i-post, pero sobrang proud ako sa’yo love. You’ve been putting others first before yourself.”

Ayon pa kay Jessy, talagang ang unang inalala raw ni Luis nang magdesisyon na ang Kongreso na huwag nang i-renew ang prangkisa ng ABS-CBN, ay ang mga katrabaho sa kanyang mga programa.

“Ang pinaka unang reaksyon mo nung nahatulan ang denial ng franchise renewal ‘paano ang staff ko,’ (meaning paano ang staff niya sa mga shows niya). Hindi ka nagpo-post about it kaya ako na lang.

“Sinasabi ng iba, tahimik ka lang daw sa kasagsagan ng nangyayari. Ang hindi nila alam, gumagalaw ka na pala para sa mga mawalan ng trabaho.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hindi man lahat matutulungan mo, ang importante, ginagawa mo lahat sa makakaya mo.

“Sobrang buti ng puso mo. Sobrang thankful namin sayo. Maraming salamat Lucky Manzano. Mahal na mahal ka namin,” ang papuri pa ni Jessy kay Luis.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending