Angel basag sa writer ng GMA: Gurl, we know at ng BIR na 'di ka patay gutom nu'ng lumipat ka sa kabila! | Bandera

Angel basag sa writer ng GMA: Gurl, we know at ng BIR na ‘di ka patay gutom nu’ng lumipat ka sa kabila!

Ervin Santiago - July 20, 2020 - 12:25 PM

 

NAKIPAGTALAKAN ang fiancé ni Angel Locsin na si Neil Arce sa writer ng GMA 7 na si Suzette Doctolero.

Ito’y matapos akusahan ng Kapuso scripwriter si Angel ng paawa epek at pagsisinungaling para lang makuha ang simpatya ng publiko sa pakikipaglaban nito para sa ABS-CBN.

Sa kanyang Facebook account, kinuwestiyon ni Suzette ang naging pahayag ni Angel sa rally ng mga ABS-CBN employees tungkol sa tunay na estado ng kanyang career noong iwan niya ang GMA at lumipat sa Dos.

Sabi ng writer, “A e I admire your courage po pero huwag exag. Kumita ka ng sobrang laki sa GMA. Malaki ang net worth mo nung lumipat ka sa kabila. Sa totoo lang tayo ha. Kaloka.

“Though baka naman din kasi sa sobrang silakbo lang ng damdamin mo kaya mo siguro nasabi ang tila yata kasinungalingan na padrama mo na ito, right?

“Pero, gurl, we know at ng BIR na di ka patay gutom nung lumipat ka sa kabila, teh. But go, tuloy ang laban, gurl. ‘Wag lang oa sa mga statement. Sa truth lang tayo, yes! Btw, ginawa ka naming Darna.

“I’m glad na until now ay nakakabit sa iyo ang pagiging superhero. Kaya sana konting lingon naman ng konti sa pinanggalingan at huwag magsisinungaling ha? Ang totoong hero ay may integredad at di liar, di ba?” patutsada ni Suzette sa aktres.

Sinagot naman ito ng boyfriend ni Angel na si Neil Arce sa sunud-sunod niyang tweet.

“She let go of her shares, that she hasn’t even paid for, waaaaay before ABS shutdown. You can check,” unang post ng film producer sa Twitter.

Bwelta naman ni Suzette, “ABS-CBN ata ang naglabas ng list. June 2020 ito, right? Submitted nila ito sa PSE. Mali pala list nila. Matagal na pala ang June 2020? Unless nagkamali ang abs na isinama siya, then my apologies.”

Tweet uli ni Neil, “Shares were not paid for po you can check she let that go awhile back. Hindi lang po Na update yan kasi gusto ng ABS kunin niya pero ayaw niya kunin. You can sue me if I’m lying.”

Hirit pa ng writer, “Lol, alin ang ginagawa namin? Ang di pagbabayad ng tax? O ang pagkakaroon ng big dipper? again, hindi ito issue ng cause nya. Issue ito ng false statement nya. Naman repapips. Linaw linaw ng hanash ko, pinapalabo mo.”

Na sinagot ni Neil ng, “Ay fact check po bayad po ang ABS sa taxes and nothing illegal. Won’t get into that argument kasi hahaha parang argument ng mga troll yan. Ang hanash mo na false statement ay dahil sa pagkaintindi mo. Malaki respeto namin sa GMA.”

Tila nabwisit na si Suzette sa pakikipagsagutan sa dyowa ni Angel, “Neil, asan po sa statement ko na yan na sinabi ko na di sila nagbayad sa buwis? Tell me asan? Nagtatanong ako, ano ang wag gayahin? Ang di pagbabayad ng buwis? Is that a statement? That’s a question. But yes lets not go there kasi I don’t think kaya mo ang debate.”

Dugtong pa niya, “Freedom of expression is painful ano? Kasi ang sasabihin ay may katapat na pag sang ayon o batikos. Again: wala akong prob sa nilalaban ng irog mo, wag lang gumawa false statement. At wag ka na palusot for her. Admirable but nyeh. Goodnight.”

Pero hindi pa rin nagpatalo ang producer at muling sinagot ang isa pang tweet ni Suzette, “Ma’am may post ako sa Ig ko and madaming video kausap po niya ang mga tao. Kung ganyan kayo mag research kawawa naman po ang mga show niyo.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Banat naman sa kanya ni Suzette na may halo nang pang-aasar, “Ay di naman kawawa show ko. Pinuri nga ni Kidlat Tahimik nung hearing ang show ko kasi culturally accurate. Nanood ka ba ng hearing repapips? Parang lutang ka e. O Iba lang siguro beliefs mo sa belief ko? Basta, yung walang wala ako ek ek ng jowa mo ang tinira ko. Tapos.”

Sagot sa kanya ni Neil, “Nanood ako pumunta pa ko congresso. And wag mo ko tawaging repapips di tayo magkaibigan. Lutang ako? Yung argument mo pang troll. Kala ko pa naman may challenge. Anyways madami pa naman utos ang diyos ubusin mo muna. Tapos isip bago concept.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending