Single mom balak hiwalayan ang dyowang afam, tamad makipag-chat

Stock image
KUNG may dyowa kang afam (foreigner) at LDR o long distance relationship ang status n’yo, hihiwalayan n’yo ba siya kung feeling n’yo wala na siyang time sa ‘yo?
Ganyan na ganyan ang hugot ng isang single mom na may karelasyon ngayong foreigner ngunit hindi na raw ito regular na nagcha-chat sa kanya dahil sa sobrang kabisihan sa work.
Nag-post ng kanyang letter ang anonymous sender sa Facebook page na Peso Sense at dito nga niya inilahad ang sama ng loob sa kanyang boyfriend.
I have an afam bf. I’m a single mom 31 and si afam is 28. More than 1 month pa lang kami and the plan is pupunta sya dito after 3 months to marry and tanggap din nya anak ko. He also offered to send money but i refused.
“I can feel his sincerity kasi pinakilala na ako sa mother and relatives over the phone (video) ka chat ko din mom niya minsan kasi gusto nya e chat ko.
“Gusto din nya mka-usap parents ko pero ayaw ko kasi di pa nman sure. Saka kona ipakilala pag nkabili na sya ng planeticket sana,” ang simulang kuwento ng problemadong single mom.
May small company raw ang guy at lately ay sobrang busy raw nito at hindi na talaga siya tsina-chat kahit “good morning” lang.
“I confronted at first na kahit mag update man lang kasi if hindi ako yung nauna mag chat, di rin sya mag chachat. Kaya nag ooverthink ako ng malala at naiinis kasi kahit pag gising wala manlang good morning kung di ko uunahan.
“Sabi ko sa kanya i feel like i’m not important. Pero sabi nya nagtratrabaho sya ng husto para sakin and im important daw. Pero lagi kong tanong bakit hindi man lang ako e chat kahit 1min lang pero too busy daw. I know wala nmang 3rd party,” lahad pa ng letter sender.
“Para sakin, it’s just a simple thing na kahit update mnlang na nsa work na sya na lagi kong sabi sa kanya na mag update nman sya sakin. Nkakasad lang wala na ako peace of mind kakaoverthink.
“Ayoko ng feeling na im chasing and i feel like begging for attention which i believe it’s supposed to be freely given if he’s really into me. Wala nadin ako peace of mind thinking na prang iniignore ako.
“If he cant do small things, how much more bigger things?
“Almost perfect na sana sya kasi sweet din sya pag nag chat na kami, at sobrang gwapo din kaya pa stalk2x nlang ako ngayon sa kanya, sya din nman sakin. Nkita ko nka view sya sa IG story ko tho we didnt follow each other kaya tamang kilig nlang beshy nyo.
“Ayoko na rin i fight kasi nag hiwalay na kami before for exact same reason but I swallowed my pride at ngbalikan kami I beg for him that time. At ngayon same issue again.
“I know hindi rin sya mag reach out kasi galit sya. kasi pag kasal na daw kami I will divorce him daw if ever di sya mkapag text while working,” litanya pa ng single mom.
Sa huling bahagi ng kanyang liham ay sinabi ng sender na, “I don’t know if this is just a small thing to breakup with someone you love? konting update lang nman gusto ko kasi we are on LDR.
“Pls advice if need ko pa sya e winback or not worth it.”
O, ayan na mga ka-BANDERA! Comment down below na at payuhan si Ate Gurl kung ano nga ba ang dapat niyang gawin – tuloy ang lavarn o bumitiw na?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.