Mandaluyong City tututukan na ang single parents, magtatayo ng bagong tanggapan
GOOD news para sa lahat ng solo or single parents diyan, lalo na sa mga naninirahan sa Mandaluyong City!
Hindi na kayo mag-iisa at may malalapitan na kayo ng tulong dahil ang lokal na pamahalaan ng Mandaluyong City ay magkakaroon na ng tanggapan para sa inyo.
Ayon sa LGU, magpapatayo sila ng opisina na tatawaging “Solo Parents’ Welfare” na pangangasiwaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Sa ilalim ng bagong City Ordinance 941, ang Solo Parents Office ang mamamahala sa database ng mga single parents sa lungsod.
Baka Bet Mo: Bettinna Carlos 1 taon nang naninirahan sa probinsya kasama ang asawa’t anak: Thank you, Love for this decision!
Bukod diyan, ang tanggapan na mismo ang tutulong sa pamimigay ng ng mga pribilehiyo, at pagre-report ng mga indibidwal o institusyon na tumatangging magbigay ng mga benepisyo para sa mga solong magulang.
Binanggit din ng LGU na magkakaroon ng tinatawag na “Solo Parent Identification card (SPIC), pati na rin ng booklet na valid for one year ang solo parents.
Pero paglilinaw nila, makakakuha lamang nito kapag nakapagbigay na sila ng mga kinauukulang dokumento.
Sinabi rin sa ordinansa na maliban pa sa mga benepisyong matatanggap ng mga solong magulang mula sa pambansang batas, makakatanggap din sila ng libreng tulong medikal, suporta sa kabuhayan, at social safety aid sa panahon ng mga sakuna, kalamidad, o emergency sa kalusugan ng publiko.
Read more:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.