Vice Ganda handa nang magkaanak: I want to be a parent | Bandera

Vice Ganda handa nang magkaanak: I want to be a parent

Therese Arceo |July 30,2021
facebook
share this

Vice Ganda handa nang magkaanak: I want to be a parent

Therese Arceo - July 30, 2021 - 01:32 PM


“Kapag nagkaroon ka ng sarili mong anak, na talagang dugo at laman mo, nagbabago ang perspektibo mo sa buhay.”

ITO ang sinabi ni Ogie Diaz sa kaibigang si Vice Ganda nang pag-usapan nila ang tungkol sa pagkakaroon ng anak.

Marami raw kasi ang nagtatanong sa talent manager kung gagaya na ang Unkabogable Star sa kanya at ready na maging tatay.

“Ayokong maging tatay. I want to be a parent,” saad ni Vice.

“Diyos ko, baka maguluhan ‘yung bata, ganito ako. I just want to be a parent. Neutral, walang gender,” dagdag pa nito.

Nang tanungin siya kung ano ang pakiramdam niya noong mga panahong pinu-push siya na magkaroon na ng sariling anak, nandiri daw ang TV hose-comedian.

“Syempre noong una, baklang-bakla ako nang todo ‘di ba tapos hindi talaga sumasagi sa kahit anong bahagi ng utak o ng kamalayan ko ang pagkakaroon ng anak.

“Diring-diri talaga ako kasi hindi ko nakikita ‘yung sarili ko na mag-aanak.

“Parang happy na ako na meme-memehan ako ng napakaraming tao. Pero ‘yung totoong sa akin, hindi ko talaga naaano (naiisip),” pagpapatuloy niya.

Sa napakaraming achievements nga na nakamit ni Vice, idavdag pa ang masayang love life nito kasama ang partner na si Ion Perez, tila anak na lang ang kulang sa buhay niya

Ito nga raw ang pangarap ni Ogie para kay Vice. Ito rin ang pangarap ng kanyang inang si Nanay Rosario.

Matatandaan na minsan nang ibinahagi ni Nanay Rosario ang kagustuhan niya na magka-apo mula kay Tutuy.

“Gusto ko nga anak kasi iniisip ko sayang tong mga ipinundar mo anak na walang mag-mamana. Sa kanino mapupunta ito? Kami nama’y matanda na maliban dun sa dalawang pamangkin mo pero iba talaga anak yung may sarili, pahayag ni Nanay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tila kinokonsidera naman ito ng Unkabogable star ngunit giniit nito na hindi niya ito gagawin in a natural way dahil hindi raw talaga niya kering gawin ‘yun.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending