Sharon umaming may 2 TOTGA: Feeling ko naman happy na sila!  | Bandera

Sharon umaming may 2 TOTGA: Feeling ko naman happy na sila! 

Julie Bonifacio - May 30, 2020 - 03:34 PM

BINALIKAN nina Sharon Cuneta  at Pops Fernandez ang kanilang past sa “girl talk” tsikahan sa official YouTube channel ng Concert Queen.

  Dating schoolmates sa International  School sa Pasig City at neighbors sa Dasmariñas Village sa Makati sina Mega at Pops. Kaya napa-throwback sila sa mga nangyari sa buhay nila during their teenage life.

     Aminado si Sharon na mas masipag mag-aral si Pops kesa sa kanya noong nasa IS sila.  Pero kung nasa  high honors  level si Pops, nasa honor list din naman si Mega na pinapaskel sa buong eskwelahan.

    Bilib naman si Pops sa pagiging negostante  ni Mega.  Bata pa lang ay nakita na niya ang husay ni Sharon sa pagnenegosyo at pagbebenta. 

    Kapag may event  daw kasi sa Dasma mansion nina Mega ang parents niya na si former Pasay City  Mayor Pablo at Elaine Cuneta, nakita ni Pops si Sharon na may sariling lamesa sa isang tabi at doon nagbebenta ng kung anu-anong  pambatang collections.

   Sa rami nga naman ng mga bisita nina Mayor Pablo at Mommy Elaine, soldout  agad ang paninda ni Sharon.

   As most of us knows, naunang pumasok sa showbiz at sumikat si Mega  kay Pops. But there was a time, pinagtapat din sila ng fans and critics in the mid-80s.

    This maybe the reason kung kaya never silang naging best of friends. 

   Anyway, sa unang  portion ng kanilang “Girl Talk” online ay may set of questions si Pipay kay Shawie na pinamagatang “I Want To Get To Know Her More.”

   First question  ni Pops ay kung nagkaroon ba si Mega ng crush among the Regal Babies. That time kasi, exclusive si Sharon sa Viva Films.

    “Ay, si Albert (Martinez) naging boyfriend ko.  Pero hindi ko siya crush before that. Naging boyfriend ko siya for three months. Tapos sinumbong sa akin ni Gabby (Concepcion) ma girlfriend  niya si Snooky  (Serna)  habang nagsu-shoot ng movie na ‘Bata Pa Si Sabel’  sa   Vigan,” kwento ni  Sharon.

    Si Gabby daw ang nagkuwento  sa kanya dahil pinababantayan si Mega  ni Albert sa kanya habang nasa location ng pelikula nila.

     Biniro ni Pops si Sharon na baka may  pagnanasa lang sa kanya si Gabby kaya niya siniraan si Albert kay Mega.

    Natawa lang si Sharon at sinabi na  karelasyon ni Gabby that time  ang neneng-nene pa noon na si Janice de Belen. 

    “Totoo naman, but  not admittedly,” ngiti ni Mega

 “Obvious ba?  Ang tagal nila. Ha-hahaha! Alam ko naman,” aniya pa.

    At  kahit  daw magkarelasyon sila ni Albert noon, hindi naman sila nagkikita. Nagkakausap lang sila sa telepono ni  Albert dahil bawal pa raw siya makipagrelasyon noon.

    “Ako rin naman,”  pag-amin ni Pops. “Ang mga naging lovelife ko mostly telepono. As if  naman ang dami-dami kong lovelife,” sabi ni Pipay.

   Sabi naman ni Sharon,  “Ay, happiness ko, GMA  Supershow.  Kasi,  pupunta si Albert, maggi-guest. Eh,  si Kuya Germs  (German Moreno) parang happy siya. So, after the show, ililibre niya kaming lahat ng lunch.  So, yun lang ang time namin ni Albert. Ha-hahaha!  Kasi Viva ako, Regal siya!”

   Second question ni Pops ay kung sino naman ang crush niya sa Viva noon, “Wala,” mabilis na tugon ni Mega. “Yeah, wala.  Later, si Rowell (Santiago) dahil naging  kami. Pero yun lang yung  naging  Viva noon  eh.  Wala namang iba.”

    Third question ay kung nagkaroon si Mega ng tinatawag na “the one that got away” o TOTGA. Inamin naman ni Sharon na meron  and not one, but  two, “Of course, meron. Actually,  feeling ko ako rin naman ang TOTGA nila.”

    Say naman ni Pops, “I think kung sino man  ang nagsasabi noon ngayon,  I think,  umiiyak na siya. Ha-hahaha!”

    “Hindi. Happy naman sila,” paniniyak naman ni Sharon.

    Among Sharon’s ex-boyfriends ay sina Robin Padilla at si Ormoc City Mayor Richard Gomez and are both happily married na.

     Anyway, knows ni Pops kung sino  ang maituturing na “right love  at the wrong time” ni Sharon. But instead of mentioning the name  kumanta na lang si Pops ng ilang linya sa kanta ni Barry Manilow na “Somewhere Down The Road.”

     Ang “Somewhere Down The Road” ay ang theme song ng  “Minsan Minahal Kita” movie nina Sharon at Richard under Star Cinema.

                              

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

                

  

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending