outbrain

Pangarap ni Jennylyn natupad habang may lockdown; throwback paandar ni Atom pampa-GV

By Ervin Santiago May 23,2020
share this

Pangarap ni Jennylyn natupad habang may lockdown; throwback paandar ni Atom pampa-GV

By Ervin Santiago May 23,2020
share this

KAHIT naka-quarantine sa bahay, busy pa rin ang Kapuso couple na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa pag-aasikaso ng kanilang mga negosyo. 

Sa katunayan, si Jennylyn mismo ang punong-abala sa kanyang cookie business. 

Aniya, “Wala naman kasing pwedeng mag-handle nu’n so sa ngayon ako ‘yung naghahawak ng orders tapos delivery. Happy naman ako na ako ‘yung humahawak ng mga ganito. Tinutulungan din ako ni Dennis.” 

Bukod dito, pinaghahandaan na rin nila ang pagbubukas ng kanilang cat cafe at salon. Kwento pa ni Jen, happy at proud siya dahil natupad ang pangarap niyang maging baker dahil sa pamamalagi sa bahay habang may lockdown. 

Kaya naman siya mismo ang nag-bake ng birthday cakes nila ni Dennis para sa kanilang nakaraang kaarawan. 

“Ngayon halos wala namang nagbebenta ng cake so wala kaming choice. Ako rin gumawa ng birthday cake niya tapos ako rin gumawa ng sarili kong birthday cake. Favorite ko kasi ‘yung carrot cake,” dagdag niya. 

Maging si Dennis ay nahilig na rin sa pagbe-bake katulad ni Jen, “Mahilig kaming manood ng videos onine so naghanap kami ng mga recipe para gumawa ng mga sarili naming cake tsaka mga pizza, tinapay.”

                            * * *

Hindi nakatakas ang Kapuso news personality na si Atom Araullo sa trip down memory lane courtesy ng nagbabalik na pambatang program na Art Angel.

 Muling nabuhay si Doctor Atom na minsang nagpamalas ng kanyang galing sa arts and crafts sa episode ng Art Angel kasama ang host na si Pia Arcangel. 

Gamit ang styropor, sinubukang gumawa ni Atom ng doctor’s bag. Aliw na aliw ang viewers dahil ang lakas daw makabata ng programang muling pinapalabas sa Kapuso Network tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes ng umaga. 

 

Kung tutuusin, lumaki na sa harap ng camera si Atom dahil bata pa lang, napapanood na siya sa isang children-oriented TV show. Naging bahagi rin si Atom ng 24 Oras noon para sa segment na “ATOMic Sports”. 

Bukod sa pagiging anchor ng online nightly newscast na Stand for Truth at host ng The Atom Araullo Specials, napapanood din siya ngayon sa 24 Oras gabi-gabi. 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending