JM gustung-gustong ipagsigawan ang pagsuporta sa ABS-CBN, pero…
GUSTONG ipagsigawan ni JM de Guzman ang kanyang pagmamahal at suporta sa ABS-CBN sa gitna ng kinakaharap na kontrobersya ng network.
Napakalaki ng tinatanaw niyang utang na loob sa ABS-CBN at habangbuhay siyang magpapasalamat sa kanyang mga boss sa istasyon dahil sa tiwala at respetong ibinibigay sa kanya ng mga ito sa kabila ng kanyang mga pagkakamali.
Ngunit alam ng aktor kung saan siya pupuwesto o lulugar sa isyung ito dahil na rin sa mga pinagdaanan niyang kontrobersiya nitong mga nakaraang taon.
“Punumpuno ako ng admiration sa istasyon natin na from the very beginning, yung pinakitang humility sa gobyerno and napagkumbaba ang mga bosses natin until now na sinara na,” pahayag ni JM sa virtual presscon para sa bago niyang project sa Dreamscape Digital, ang “Love Lockdown” na napapanood na ngayon sa iWant.
Patuloy niya, “And yung courage naman na pinapakita na patuloy pa rin tayo nagki-create, nag-e-entertain, nag-i-inform, and for me personally, ang daming natulong sa akin ng ABS-CBN.
“Nabago niya yung direksyon ng buhay ko and as much as I want to, na ipagsigawan yun, mahirap dahil may bangas na yung past ko and I’ll just do it sa mga aksiyon na ipinapakita ko lang kung gaano naging kabait sa akin yung ABS-CBN.
“Binabalik ko lang din. Basta malaki ang naitulong sa akin at sa family ko and I’m really happy na sa project na ito (Love Lockdown) na napabilang ako.
“Hindi ko alam kung sinasadya ko o hindi man pero sobra akong grateful. Pero nahirapan man sina direk dahil medyo may anxiety attacks ako, thankful pa rin ako,” chika pa ng binata.
Sa “Love Lockdown”, hinding-hindi malilimutan ni JM ang paraan ng kanilang “shooting” pati na ang mga bagong kaalaman na natutunan niya habang naka-home quarantine.
“Lalo na nu’ng first part ng lockdown, nakita ko yung sarili ko na may point du’n na parang gusto ko na (magkaroon ng karelasyon). Pero imbis na ituloy ko mas natakot ako because yun yung issue ko, yung dependency sa relasyon, sa lahat ng bagay, substance.
“Yun yung pina-practice ko, ini-strengthen ko, mina-maximize ko ngayong lockdown na mag-isa ako. So I have to work on that pa. After (natapos yung shoot) may excitement na gusto ko na mapanuod ng buo.
“Fulfilling kasi considering yung circumstances and yung struggles na meron. At a time na walking time bomb na lahat ng tao, konting kanti mo lang pipitik na, magkakapitikan kayo.
“After mangyari yun, masarap sa feeling na okay kami lahat, safe kami lahat, nagawa namin yung trabaho,” sey pa ni JM.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.