Poe inilarga suporta, kaligtasan ng drivers, pasahero | Bandera

Poe inilarga suporta, kaligtasan ng drivers, pasahero

Jimmy Alcantara - May 12, 2020 - 04:05 PM

KUNG si Sen. Grace Poe ang tatanungin, hindi kailangang mangamba ang mga pasahero at driver sa pagbabalik ng operasyon ng mga pampublikong sasakyan sa mga lugar na isinailalim sa general community quarantine (GCQ).

Totoo na may rason na matakot ang mga pasahero at driver dahil hindi porke inilagay ang isang lugar sa GCQ ay maglalaho na ang banta ng Covid-19 dito.

Pero, hirit ni Poe, kung susundin ng publiko ang mga panuntunan na ilalatag ng pamahalaan ukol sa balik-biyahe ng mga public utility vehicles (PUVs) ay maiiwasan ang pagkalat ng virus sa mga behikulo.

Pangako niya: “We will explore the possibility of a progressive resumption of public transportation in the coming weeks. The challenge is to restore mobility and livelihood of the drivers without compromising safety amid the pandemic.”

Kabilang sa mga ipinanukala ng senadora upang masigurong ligtas ang publiko sa pagbibiyahe ay ang paglilinis ng sasakyan kada trip, paglalagay ng safety kits, pagsusuot ng mask ng mga driver at konduktor, pagkuha ng temperatura ng mgq pasahero gamit ang thermal scanner, paggamit ng automated fare system, at ang tamang social distancing sa loob ng sasakyan.

“To our passengers, the most important really is to maintain social distancing, to always wash your hands, to keep a mask on. Otherwise all of these measures will be for nothing,” pakiusap naman ni Poe.

Itinutulak rin ng senadora na pag-aralang mabuti ang ruta ng mga PUVs nang hindi magpalipat-lipat ng sakay ang mga pasahero at gumastos ng malaki.

May isa pang inilalarga ang senadora para naman sa kapakananan ng mga driver at operators–tulungan ng pamahalaan ang mga ito na makaraos sa limitado nilang kikitain dahil iilang pasahero na lamang ang maaaring isakay bunsod nga ng social distancing protocol.

“Kailangan ituloy ang subsidiya sa kanila dahil mababawasan ang kanilang kita, kung wala nito, lugi ang bawat pasada at baka hindi na lang sila lumabas,” punto niya.

Kaya naman nanalangin siya na maaaprubahan ang hiling ng Department of Transportation sa Inter Agency Task Force kaugnay sa aabot sa P3 bilyon pondo kada buwan, kasama ang subsidiya sa petrolyo sa mga driver.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending