Katrina Halili ine-enjoy ang anak habang may quarantine: Sundin natin ang utos ng gobyerno | Bandera

Katrina Halili ine-enjoy ang anak habang may quarantine: Sundin natin ang utos ng gobyerno

Ervin Santiago |March 22,2020
facebook
share this

Katrina Halili ine-enjoy ang anak habang may quarantine: Sundin natin ang utos ng gobyerno

Ervin Santiago - March 22, 2020 - 08:20 AM

POSITIBO si Katrina Halili na kayang-kaya ng mga Pinoy na labanan ang COVID-19, basta sundin lang ang lahat ng ipinag-uutos ng pamahalaan.

Isa si Katrina sa mga local celebrities na direktang naapektuhan ng enhanced community quarantine sa bansa dahil pansamantala ngang natigil ang taping nila para sa seryeng Prima Donnas.

Sa pamamagitan ng online interview, sinagot ni Katrina ang tanong ng ilang netizens tungkol sa mga pinagkakaabalahan niya ngayon sa bahay habang ipinatutupad ang lockdown sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Anu-ano ang health regimens na ginagawa mo ngayon para labanan ang COVID-19? “Eating healthy, taking vitamins, fruits and vegetables, more water, washing hands frequently, sanitize household, and car.”

Paano mo sinisiguro na magiging productive ka kahit nasa bahay dahil sa community quarantine? “I clean the house and cook healthy meals for Katie (anak niya). I make sure to bond and spend quality time with her right now since we don’t have work.”

Paano mo pinaghandaan ang community quarantine? Nagpunta ka rin ba sa groceries para mamili? “Yes, I went to the grocery, stocked up food, water, vitamins, and all the basic needs since we have to stay in the house. Kailangan sundin natin ang mga utos ng gobyerno kasi para sa atin din lahat ng ito.”

What’s your reaction na tuluy-tuloy ang pagtutok ng viewers at netizens sa Prima Donnas since your pilot airing at maraming natutuwa at nakatutok sa series dahil very relatable daw ang story? 

“Nakakatuwa po na hanggang ngayon ay patuloy ang suporta ng mga loyal viewers ng Prima Donnas at lalo pang dumadagdag ang mga nakatutok sa serye. Masaya po kami dahil hindi sila bumibitiw sa panonood mula Lunes hanggang Sabado.”

Kumusta ang working relationship n’yo sa inyong co-stars? “Okay naman yung working relationship namin sa set, happy set kami lagi, masarap magtrabaho kapag magaan lang lahat ng katrabaho mo, and ganu’n po yun nangyayari sa amin.”

Kumusta po kaeksena sina Jillian, Sophia, Althea at Elijah? Humihingi ba sila ng tips sa inyo on how to execute a scene at kung paano mas gumaling pa sa akting? 

 

“Kung nanghihingi po sila ng tips, ang madalas po naming pag-usapan ay diet tips! Madalas din po kaming magkulitan kapag hindi kami kinukunan and mahilig po kaming kumain sa set.”

 

 

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending