P302.9M jackpot hindi tinamaan | Bandera

P302.9M jackpot hindi tinamaan

Leifbilly Begas - March 16, 2020 - 02:25 PM

WALANG tumama sa P302.9 milyong jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 sa bola noong Linggo.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office walang tumama sa winning number combination na 52-12-43-08-25-26.

Nanalo naman ng tig-P100,890 ang 16 mananaya na nakakuha ng limang numero.

Tig-P1,270 naman ang 1,009 mananaya na nakakuha ng apat na numero at balik ang P24 taya ng 22,985 mananaya na nakatatlong numero.

Samantala, dinagdagan ng PCSO ang pondo ng mga Malasakit Center bilang suporta umano sa programa ng pamahalaan laban sa coronavirus disease.

Inaprubahan ni PCSO General Manager Royina Marzan Garma ang paglalagay ng P1 milyon sa Lung Center of the Philippines, P400,000 sa Philippine Children’s Medical Center, P500,000 sa Philippine Heart Center, P1.5 milyon sa Philippine General Hospital, P400,000 sa Rizal Medical Center at P400,000 sa Taguig Pateros District Hospital.

“Ito ang aming pangunahing tungkulin, ang maglikom ng dagdag na pondo para sa pangangailangang medikal ng mga Pilipino. Hindi tayo magpapatinag sa pagsubok na humanap ng epektibong paraan upang makalikom ng kailangang pondo para matugunan ang medical assistance na dapat nating ibigay sa ating mga kababayan,” ani Garma.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending