Fans ni Willie malulungkot sa ‘no audience’ policy
Sa gitna pa rin ng pagdami ng confirmed cases ng COVID-19 sa Metro Manila, makikipag-meeting na rin ang TV host-comedian sa GMA 7 management para sa programa niyang Wowowin.
Pabor din si Willie na ikansela muna ang pagtanggap ng studio audience sa Wowowin para na rin sa kapakanan ng lahat at bilang pagtugon na rin sa pagdeklara ng national health emergency ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Nauna nang nag-announce ang Kapuso noontime show na Eat Bulaga na hindi muna sila magpapasok ng studio audience at pabor daw si Willie sa hakbang ng management ng show.
Ayon sa TV host, makikipag-usap na siya sa mga GMA 7 executive para sa mga precautionary measures na maaaring ipatupad sa taping ng Wowowin para maiwasan nga ang pagdami pa ng COVID-19 cases sa bansa.
Pwede naman daw na ituloy ang programa kahit walang studio audience tulad nang live broadcast nila noong birthday niya na kanilang inialay sa mga biktima ng pagputok ng bulkang Taal.
Tiyak namang maraming malulungkot na followers ni Willie sakaling hindi na muna tatanggap ng audience ang show.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.