Katy Perry buntis na sa 1st baby nila ni Orlando Bloom
ILANG oras bago i-release ang latest music video ni Katy Perry para sa kantang “Never Worn White,” kumalat ang balitang buntis na raw ang American singer.
Kanya-kanyang hula ang fans ni Katy mula sa iba’t ibang panig ng mundo nang masilip nila ang ilang teaser para sa nasabing music video na tila nagpapahiwatig na magiging mommy na nga ang international Pop superstar.
Kanina, ibinandera na nga ng 35-year-old singer at American Idol judge that she’s expecting her first child with fiancé Hollywood star Orlando Bloom, sa pamamagitan ng bago niyang music video.
Proud niyang ipinakita ang kanyang baby bump sa final moments ng “Never Worn White” music video.
Siyempre, bumuhos ang pagbati para kina Katy at Orlando mula sa kanilang fans all over the universe.
Ibinandera ng dalawa ang kanilang engagement noong February, 2019. Si Orlando ang magiging ikalawang asawa ni Katy dahil noong 2010 ay ikinasal din si Katy sa comedian na si Russell Brand pero naghiwalay din noong 2012.
May 9-year old son na rin si Orlando na nagngangalang Flynn, ang anak nila ng supermodel na si Miranda Kerr.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.