GMA News reporter nag-sorry sa fans ng K-Pop group na Seventeen
NAG-SORRY ang GMA News reporter na si Marisol Abdurahman sa mga Pinoy fans ng K-pop group na Seventeen.
May nasabi kasing “offensive remarks” si Marisol nang hindi niya ma-interview ang grupo pati na ng ilan pang miyembro ng media nang dumating sa airport last weekend.
Sandamakmak na Pinoy fans ng Seventeen ang sumugod sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para salubungin ang sikat na Korean boyband.
May 13 members ang grupo: sina S.Coups, Jeonghan, Joshua, Jun, Hoshi, Wonwoo, Woozi, DK, Mingyu, The8, Seungkwan, Vernon at Dino. Dumating sila sa bansa para sa kanilang “Ode To You
World Tour” na ginanap sa Mall of Asia Arena nitong Sabado.
Isa si Marisol sa mga TV news reporter na nag-cover sa pagdating ng group sa NAIA pero dahil nga sa higpit ng security ay hindi niya nakapanayam kahit isa sa mga Korean idols.
Ilang fans naman ng Seventeen ang naglabas ng video sa social media kung saan mariring si Marisol na nag-dialogue ng, “Kung ako lang nga ‘yan, ayoko mag-cover ng mga ‘yan, ano!”
Dahil dito, na-bash nang todo ang news reporter at sinabihan ng fans na mag-apologize. Nag-trend din ang hashtag na #ApologizeToSeventeenGMA.
Hindi naman nagmatigas si Marisol at agad nag-sorry sa fans ng Seventeen. Ipinost din sa official Twitter account ng GMA News ang statement ng Kapuso reporter.
Aniya, “I wish to extend my sincerest apologies to all the fans of the K-pop group Seventeen.
“In my desire to get close to the group for an interview knowing how Filipino fans love them, I had a bad encounter with the airport security personnel who pushed me hard and covered our camera lens several times.
“In my frustration, I uttered words I should have not said. I regret saying them as they do not reflect my true sentiments.
“I can only imagine how upset the fans must have been for the careless words I uttered. Please know that I have no intention of hurting them.
“While my words are definitely uncalled for, they do not define my true character as a journalist built over the years.
“Again, I am extending my sincerest apologies to the fans and I wish Seventeen a successful concert.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.