Jennylyn, Dennis 'kasosyo' ang mga alagang hayop sa negosyo                 | Bandera

Jennylyn, Dennis ‘kasosyo’ ang mga alagang hayop sa negosyo                

Jun Nardo - February 09, 2020 - 12:13 AM

LEVEL up na ang collaborations ng real lovers na sina Jennnylyn Mercado at Dennis Trillo. 

Bukod sa gaganaping Valentine concert nila, nagdesisyon na rin ang Kapuso couple na magsosyo sa business.

Ibinandera nina Jen at Dennis ang kanilang unang negosyo together, ang cat café na may trade name na Little Bucks na matatagpuan sa Maginhawa St. Diliman, Quezon City.

       Bukod sa coffee at tea na isi-serve, matitikman din ang cookie recipe ni Jen na Chunky Dough. At gabang nagkakape, puwedeng makipaglaro ang mga customers sa jur babies nina Jen at Dens.

       Mayroon silang alagang mahigit na 10 pusa at aso, huh!

       Last Saturday ginanap ang opening ng negosyo ng Kapuso lovers.

* * *                    

Todo ingat din ang Kapuso Network sa corona virus lalo na’t kinumpirma ng Department of Health ang ikatlong kaso ng virus sa bansa kamakailan.

       Mahigpit na ipinatutupad ng network sa kanilang building ang ilang precautionary measures para makaiwas sa anumang nakahahawang sakit.

  Isa na nga rito ang mandatory na pagtsi-check ng mga temperature ng mga papasok na empleyado, outsiders at maging executives ng istasyon.

       Ang mga outsiders naman ay kailangan dumaan sa clinic ng GMA para mag-declare ng kanilang travel history at mga nararamdaman.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

       May protective measures din gaya ng alcohol, foot rug at libreng masks sa hindi maganda ang pakiramdam.

       Magandang ehemplo sa mga mamamayan ang ipinakikita ng Kapuso network para maging maingat lagi at huwag magpakasiguro lalo na kapag kalusugan na ang pinag-uusapan, huh!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending