'Hindi kasalanan ni Alden ang pagputok ng Taal volcano!' | Bandera

‘Hindi kasalanan ni Alden ang pagputok ng Taal volcano!’

Cristy Fermin - January 18, 2020 - 12:45 AM

ALDEN RICHARDS

MEMA lang. May masabi lang. May maipanira lang. Parang ganu’n ang iniikutang buhay ngayon ni Alden Richards sa kanyang mga bashers.

Kunsabagay ay sino nga ba ang sinisira, di nga ba’t ang buo, bakit pa kailangang siraan ang dati nang sira?

Lahat ng kilos ngayon ng Pambansang Bae ay binabantayan ng mga hindi masaya sa kanyang tagumpay. Parang may grupong naghihintay talaga ng pagkakataon para siya wasakin.

Ginusto ba naman ng singer-actor na pumutok ang bulkang Taal nu’ng January 12? Umalis siya isang araw bago ang pag-aalburoto ng bulkan, nagpunta siya sa Japan kasama ang kanyang mga kaibigan, kailangan bang ikonek sa kanyang bakasyon pati ang pagsabog ng Taal?

May posisyon ba siyang pinanghahawakan sa probinsiya ng Batangas para obligahin siyang pauwiin para tumulong sa mga tagaroon?

Tahimik na tumutulong si Alden, marami na siyang naisalbang buhay kahit nu’n pa, pero tahimik lang siyang tumutulong.

Kailangan ba niyang ipagmakaingay ang mga ginagawa niyang kabutihan? Kailangan bang malaman ng buong mundo kung anong pag-ayuda ang mga ginagawa niya?

Biktima rin si Alden ng pagsabog ng bulkan, ang restaurant nila sa Tagaytay ay nasalanta rin, pero wala tayong anumang reklamong naririnig mula sa kanya.

Tantanan na si Alden Richards ng mga hindi maligaya sa kanyang tagumpay, tigilan na ang mga kuwentong salat naman sa katotohanan, nagsasayang lang sila ng panahon at laway.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending