Locsin kinompronta ang mga nagpoprotesta sa labas ng DFA
NAUWI sa mainitang pagtatalo ang pagharap ni Foreign Secretary Teodoro Locsin Jr. sa mga nagpoprotesta sa harap ng tanggapan ng DFA sa Pasay City.
Sa isang Facebook live video na ipinost ng Kabataan party list, makikitang nakikipag-usap si Locsin sa mga miyembro ng media habang nasa likod niya ang mga nagra-rally, sa pamumuno ni Arman Hernandez of Migrante International.
Nananawagan ang mga demonstrador sa pagpapauwi ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Middle East sa harap ng napipintong gera sa pagitan ng Amerika at Iran, gayundin ang pagpatay sa isang Pinay worker sa Kuwait.
Habang patuloy na inihahayag ni Hernandez ang mga isyu ng grupo, bigla siyang hinarap ni Locsin.
“Oh bugbugin mo ako! Sige!”
Sumagot si Hernandez ng:“Hindi po ito usapin, secretary, ng bugbugan. Ang kailangan po namin ay proteksyon.”
Sinagot nk Locsin ang mga isyu ng mga nagra-rally.
“For one, yung patayan sa Kuwait? Sinabi ko na, ‘A life for a life.’ No other compromise. I don’t like the ransom.”
“Two, there will be a massive repatriation to bring our people back home, yung gustong pumunta dito. May utang, di ba? May penalty, may kailangan na exit permit, tayo ang magbabayad nan, kayo ang magbabayad nan, di ba? Kayo ang nagbabayad ng buwis,” sabi ni Locsin.
Tinanong naman ni Hernandez si Locsin kung paano ire-repatriate ang milyong-milyong Pinoy mula sa Middle East.
“There are people there who work in the shelters. We will bring them home… Meron din konting problema, meron dyang government na nagsasabi kahit they want to go home, they will pay exit permit. We will pay the exit permit,” ayon kay Locsin.
“Kung yung ayaw umuwi, we will stay there, and we will protect them as much as we can.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.