Para sa may kaarawan ngayon: Pasko na mamayang gabi! Magiging mapalad ang pagdiriwang ng kaarawan mong ito at maging sa buong taon ng 2020 kung magsusuot ka ng pula at sisimulan sa panalangin ang iyong birthday at anuman ang iyong hilingin ay matutupad. Markahan ang 3, 15, 24, 34, 39 at 45. Bukod sa red buenas din ang violet. Swerte ang initial na R. at G.
Aries – (Marso 21-April 19)– Mamayang gabi at bukas ng umaga, magsuot ng kulay red na damit, makikita mo, susuwertehin ka sa salapi at pag-ibig. Markahan ang 6, 15, 27, 33, 42 at 45. Bukod sa red, buenas din ang violet. Swerte ang initial na J. at K,
Taurus – (April 20-May 20)– Ngayon pa lang pagandahin na ang style ng iyong buhok. Sa bagong hilatsa ng pagmumukha, mas madali mong mahihigop ang susuwerteng at magandang kapalaran ngayong kapaskuhan at sa nalalapit na Bagong Taon. Markahan ang 4, 18, 27, 37, 46 at 48. Orange at lilac ang buenas. Swerte ang initial na H. at P.
Gemini – (May 21-June 21)–Itaas pa ng itaas ang mga pangarap, dahil sa susunod na taong 2020 ang lahat ng ito ay ipagkakaloob sa iyo ng langit. Sa loveife, Sa Bagong Taong may pangako nagg higit na mas masarap na romansa. Markahan ang 5, 9, 18, 27, 36, at 49. Orange at blue ang buenas. Swerte ang initial na H. at L.
Cancer – (June 22- July 22)– Pasko na mamayang gabi! Mainam mag-simba at pagkatapos, sabay-sabay kayo ng pamilya mo na mag-Noche Buena. Bukas samahang mamasko ang mga bata upang makaipon sila ng aguinaldo. Alalahanin mong minsan ka ring naging bata. Markahan ang 5, 14, 29, 31, 33, at 41. Silver at pink ang buenas. Swerte ang initial na M. at C.
Leo – (July 23 – August 22)– Sa taong papasok wag panghimasukan ang suliranin ng iba. Umiwas sa siraan at intriga, upang lalo pang tumatag ang iyong career. Sa lovlife, kahit na maraming naiinngit sa iyo, wala silang magagawa, daig mo talaga sila lalo na sa taglay mong kakaibang ganda. Markahan ang 3, 14, 27, 33, 38 at 47. Yellow at violet ang buenas. Swerte ang initial na C. at V.
Virgo – (August 23 – September 22)– Gawing kalugod-lugod ang pagta-trabaho. Kung masaya ka sa ginagawa mo, mas madali kang yayaman. Sa lovlife, kung kapwa kayo happy ng kasuyo, mas maraming suwerteng darating sa pagpasok na pagpasok ng taong 2018. Markahan ang 6, 17, 24, 30 35, at 40. Green at lilac ang buenas. Swerte ang initial na M. at O.
Libra – (September 23-October 23)– Sobrang busy ang araw na ito. Iwasang magpakapagod ng todo at umiwas din sa mamantika at nakaka-high blood na pagkain. May babala ang karamdama. Sa lahat ng ginagawa hinay-hinay at moderasyon lamang ng dapat. Markahan ang 6, 15, 24, 33, 39 at 46. Pink at lilac ang buenas. Swerte ang initial na L. at S.
Scorpio – (October 24 – November 21)– Habang pinagbubuti ang iyong ginagawa lalo kang kikita ng limpak-limpak na salapi. Sa lovlife, hindi puwede ang makaraos lang, kailangang mapaligaya mo ng husto ang iyong kasuyo. Markahan ang 7, 16, 19, 28, 43 at 45. Gray at red ang buenas. Swerte ang initial na J.at C.
Sagittarius – (November 22 – December 21)– Madali lang ang paraan para magkapera! Magdidikit sa kaibigang Aries, siya ang magbibigay sa iyo ng malaking halaga. Sa lovlife, sa isang Leo matatagpuan ang true love. Markahan ang 6, 15, 24, 33, 42, at 48. Pink at beige ang buenas. Swerte ang initial na W. at A.
Capricorn – (December 22 – January 19)– Maraming lihim na naiingit sa iyo, pero hindi sila dapat na pansinin. Ituloy mo lang ang nasimulang pagtitipid. Sa lovlife, okey lang na kuripot, ang mas mahalaga, may isang masaya at masaganang pamilya. Markahan ang 2, 19, 28, 33, 45, at 49. White at purple ang buenas. Swerte ang initial na M.at V.
Aquarius – (January 20 – February 18)– Sa taong 2020 mainam magsimula ng bagong pagkakaperahan, kaysa patuloy na nag-aabang sa wala. Sa lovlife, ipakita sa minamahal na nagsisikap kang yumaman para hindi ka nya iwanan. Markahan ang 6, 15, 24, 28, 36, at 45. Gold at orange ang buenas. Swerte ang initial na L. at S.
Pisces – (February 19 – March 20)–Tanggapin ang inaaalok na paglalakbay ng isang kaibigan. Sa malayong lugar, matatagpuan mo ang ligaya at peace of mind. Markahan ang 4, 13, 22, 31, 40 at 49. Blue at beige ang buenas. Swerte ang initial na T. at F.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.