Horoscope-12-20-19 | Bandera

Horoscope-12-20-19

Madam Sophia - December 20, 2019 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon:  Limang araw na lang pasko na! Tulad ng dati ituloy mo lang ang iyong mga binabalak, buoin ang Simbang Gabi upang magpatuloy ang dating ng suwerte at magandang kapalaran. Sa lovelife pagbungad ng susunod na taong 20209 isang masarap na romansa ang mararanasan. Markahan ang 3, 21, 27, 30, 39 at 42. Green at yellow ang bueans.  Swerte sa initial na A. at S.

Aries – (Marso 21-April 19)–Wag apurahin ang tagumpay, kusang darating yan! Paghandaan ang pagpasok ng 2020, sa nasabing panahon mas maraming mga biyaya ang sunod-sunod na darating. Sa lovelife, iinit ng husto ang pagmamahalan habang lumalamig ang panahon. Markahan ang 5, 9, 18, 27, 33, at 45. Silver at maroon ang buenas. Swerte sa initial na D. at U.

Taurus – (April 20-May 20)– Masaya nga ang pasko, kaya lang masakit sa bulsa. Hinay-hinay lang sa pag-gasta. Kapag hindi ka tumigil ng kapapamili, walang matira para sa Bagong Taon. Kailangan ding pag laanan ang araw ng bukas upang higit na lumigaya ang pamilya. Markahan ang 6, 15, 24, 33, 42, at 45. Red at blue ang buenas. Swerte sa initial na T. at Y.

Gemini – (May 21-June 21–  Walang magagawa ang mga taong naiinggit at umiintriga sa iyo, dahil habang natatapos ang taong 2019 at pumapasok ang taong 2020, hindi mo mapipigilan ang kusang pagdating sa iyo ng suwerte at magagandang kapalaran. Sa lovelife, patuloy ang paganda ng iyong personalidad kaya lalo ka pang mas magiging kaaakit-akit. Markahan ang 1, 18, 19, 28, 34, at 48. Lilac at violet ang buenas. Swerte sa initial na K. at P.

Cancer – (June 22- July 22)–  Malayo man ang mahal sa buhay, hindi dapat padala sa kalungkutan. Sa konting pagtiis, malaking pag-unlad ang kapalit. Sa lovelife, ituloy ang walang sukat na pag-aaruga at pagmamahal sa pamilya, upang magtuloy-tuloy ang suwerte at magandang kapalaran. Markahan ang 3, 16, 25, 34, 42 at 49. Red at beige ang buenas. Swerte sa initial na J. at L.

Leo – (July 23 – August 22)–  Ituloy ang anomang iniisip, hindi sila nakakatulong, mahilig lang talaga silang komontra. Kaya naman sa taong ito ng 2020, silang kontrabida sa buhay mo ay mamalasin habang ikaw naman ay patuloy na susuwertehin. Sa lovelife tuloy ang masayang pakikipag-relasyon sa isang Sagittarius. Markahan ang 3, 15, 23, 34, 40 at 48. Orange at blue ang buenas. Swerte sa initial na R. at M.

Virgo – (August 23 – September 22)–Ngayon pa lang ipatupad na ang iyong New Year resolution at wag ng hintayin pa ang January. Sa ganyang paraan, hindi ka na mabibigo pa. Sa lovelife sa pakikipag-relasyon sa isang Libra may masarap na romansang mararanasan.  Sa pag-ibig kumbinsehin din ang kasuyo na magkaroon ng New Year resolution. Markahan ang 5, 14, 18, 23, 34, at 49. Blue at purple ang buenas. Swerte sa initial na M. at D.

Libra – (September 23-October 23)–Palakasin ang iyong loob upang mas madali mong mapitas ang tagumpay. Sa lovelife ay  ganon din, kapag mahina ang loob walang kaligayahang makakamit – sunggod ng sunggod lang hanggang sa lumigaya.  Markahan ang 3, 18, 27, 38, 42 at 48. Pink at white ang buenas. Swerte sa initial na S. at B.

Scorpio – (October 24 – November 21)–   Sa taong 2019 maraming kakaibang suwerteng darating. Ang mahalaga gawin mo ng gawin ang gusto mo, kahit marami sa iyong komokonrtra. Sa lovelife kahit ang iyong mahal ay hindi makahahadlang sa iyong mga balak, dahil sunod lang naman siya ng sunod sa iyo.  Markahan ang 2, 7, 20, 29, 34, at 40. Green at yellow ang buenas. Swerte sa initial na M. at E.

Sagittarius – (November 22 – December 21)– Iwasang mamintas! Kung laging nakatikom ang bibig mas maraming pera ang makakamit. Sa lovelife, magiging maligaya ang relasyon sa kasuyong Aries. Markahan ang 9, 12, 23, 36, 40 at 48. Blue at pink ang buenas. Swerte sa initial na A. at C.

Capricorn – (December 22 – January 19) —   Wag samantalahin ang kabaitan ng iba! Ano ang halaga ng tagumpay kung nakuha mo naman ito sa panlalamang sa kapwa. Ngayong kapaskuhan, mamigay ka sa mga taong higit na nangangailangan upang lalao ka pang pagpalain ni Lord. Markahan ang 7, 16, 23, 27, 34, at 49. Yellow at beige ang buenas. Swerte sa initial na V. at G.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Sa sandaling nalusutan ang mga problema tuloy-tuloy ka na ang liligaya. Sa pinansyal, sa susunod na buwan, darami na uli ang pera. Sa lovelife, unawain at pagpasensyahan ang kasuyong sumpungin. Markahan ang 4, 13, 22, 31, 28 at 35. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra.” Red at pink ang buenas. Swerte sa initial na H. at M.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20)–Magtiwala sa iyong sarili! Tandaan mong: “Ang taong buo ang loob, ang yaman ay lubos!” Sa lovelife, paligayahin ng husto ang kasuyo, ‘pag di mo nagawa sige ka baka mag-hanap siya ng iba. Markahan ang 2, 17, 28, 34, 39 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Chandaya-Aum-Govinda.” Green at pink ang buenas. Swerte sa initial na S. at D.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending