Sexy Hipon napasabak sa matinding aktingan sa 'MPK' | Bandera

Sexy Hipon napasabak sa matinding aktingan sa ‘MPK’

Jun Nardo |November 30,2019
facebook
share this

Sexy Hipon napasabak sa matinding aktingan sa ‘MPK’

Jun Nardo - November 30, 2019 - 12:10 AM

 

 

MAAGANG Christmas party ang handog ni Marian Rivera sa mga batang biniyayaan niya ng bagong “ngiti” sa pamamagitan ng Smile Train.

Sila ‘yung mga batang may bingot na tinulungan ni YanYan na mapaoperahan para maging normal ang kanilang itsura at pagsasalita.
Sa kanyang Instagram account, ipinost ng GMA Primetime Queen ang kanyang litrato kasama ang mga batang natulungan ng Smile Train. Caption niya rito, “Isang simpleng salu-salo para sa mga @smiletrainph kids. Ngayong Pasko sana marami pa tayong mabigyan ng bagong ngiti at pag-asa.”

Nitong nakaraang araw, ibinalita na ng GMA 7 ang gagawing bagong serye ni Marian na isa sa mga pasabog ng network sa 2020. Ito ay ang First Yaya kung saan makakatrabaho niya for the first time ang award-winning actor na si Gabby Concepcion.

* * *

Sumabak na rin sa aktingan ang co-host ni Willie Revillame sa Wowowin na si Harlene Budol o mas kilala ngayon bilang si Sexy Hipon. Bibida ang TV host-comedienne ngayong Sabado sa isa na namang espesyal na episode ng Magpakilanman hosted by Mel Tiangco.

Ito’y bahagi ng anniversary special ng MPK na pinamagatang “Yaya Dubai and I.”

Tinawag na Hipon Girl si Harlene dahil sa kanyang kaseksihan ngunit hindi masyadong biniyaaan ng kagandahan. Bakit hipon? E, di ba nga, kapag kinakain kasi ang hipon, karaniwang itinatapon ang ulo at katawan lang ang kinakain.
At dahil aliw na aliw si Willie kay Harlene, talagang pinag-recod pa niya ito ng kanta titled “LayoGenic”, huh! Kaya hindi lang TV host at artista si Sexy Hipon ngayon kundi recording artist na rin siya.

Makakasama ni Harlene sa MPK episode ngayong gabi sina Lotlot de Leon, Vaness del Moral, Joaquin Manansala, Euwenn Aleta at Mike Agassi. Sa kuwento, gaganap si Harlene bilang si Jenny, isang OFW sa Dubai na mai-involve sa kanyang Egyptian boss na si Hany (Mike).
Dalawang beses nang iniwan ng kanyang asawa si Hany dahil hindi matagalan ang kapansanan ng anak nitong si Mody. Si Jorron Monroy ang direktor ng nasabing anniversary episode ng Magpakailanman.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending