Bangko na magtataas ATM fees pangalanan | Bandera

Bangko na magtataas ATM fees pangalanan

Leifbilly Begas - August 16, 2019 - 06:22 PM


HINILING ni Makati City Rep. Luis Campos Jr., sa Bangko Sentral ng Pilipinas na pangalanan ang mga bangko na naghain ng aplikasyon para makapagtaas ng singil sa paggamit sa kanilang Automated Teller Machine.

Ayon kay Campos ang BSP ay mayroong Financial Consumer Protection Department na maaaring maglabas ng pangalan ng mga bangkong ito.

Sinabi ng BSP na wala pang 10 bangko ang naghain ng petisyon para makapagtaas ng transaction fees subalit hindi pinangalanan ang mga ito.

Kung may mga nais na magtaas, sinabi ng BSP na mayroong isang malaking bangko ang nais na magbaba ng singil.

“That’s good news. If one big bank can bring down its ATM charge, presumably due to economies of scale, why can’t the rest of the big banks do the same?” tanong ni Campos.

Sinabi ni Campos na maintindihan nito kung ang mga maliliit na bangko ay nais na magtaas samantalang isang malaking bangko ang kaya na ibaba ang singil.

“While it might be understandable for the smaller banks with fewer ATMs to want to raise their fees, it might be harder for the bigger banks to justify their plans to jack up charges,” saad ng solon.

Sa kasalukuyan ay P10-P15 ang singil sa bawat interbank withdrawal at P2-P2.50 bawat interbank balance inquiry.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending