Tubig sa Angat Dam nasa 170 meter level na | Bandera

Tubig sa Angat Dam nasa 170 meter level na

Leifbilly Begas - August 08, 2019 - 03:40 PM

UMAKYAT na sa 170 metro ang lebel ng tubig ng Angat dam, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration.

Kaninang umaga ang tubig sa dam ay 170.18 metro na tumaas ng 0.55 metro mula noong Miyerkules ng umaga na nasa 169.63 metro.

Malayo pa ito sa 180 metrong minimum normal operating level ng Angat dam pero mas mataas na sa 160 metrong critical lebel.

Ang Ipo dam naman ay malapit na sa high normal water level na 101 metro. Kahapon ng umaga ang lebel ng tubig dito ay 100.75 metro tumaas ng 0.13 metro mula sa 100.72 metro kamakalawa ng umaga.

Lumapit naman sa 80.15 metrong NHWL ang tubig sa La Mesa dam na nasa 75.86 metro, tumaas ng 0.13 metro mula sa 75.73 metro noong Miyerkules ng umaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending