Misis patay, anak sugatan nang aksidenteng mabaril ng mister na pulis | Bandera

Misis patay, anak sugatan nang aksidenteng mabaril ng mister na pulis

- June 28, 2019 - 05:06 PM

PATAY ang misis ng pulis, samantalang sugatan naman ang kanyang anak na babae matapos umanong aksidenteng mabaril sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang suspek na si Police Corporal Jhon Lester Pagar, 31, na nakatalaga sa Manila Police District Station 2.

Dead on arrival ang 35-anyos na misis ni Pagar na si Marilyn sa Mary Johnston Hospital, samantalang nananatiling kritikal ang tatlong-anyos na anak na babae na si Kendra matapos tamaan sa ibaba ng likod.

Nangyari ang insidente sa Kasipagan kanto ng Matimtiman st. sa Tondo, nang dumating si Pagar sa kanilang bahay ganap na alas-1:40 ng umaga.

Sinabi ng tatay ng pulis na si Jonjon, na dumating sa bahay ang kanyang anak matapos maglaro ng basketball at lilinisin sana ang kanyang baril.

Aksidente umanong pumutok ang Glock 17 pistola ni Jhon Lester habang nililinis.

Tumagos ang bala sa pader at tinamaan ang kanyang misiss at anak na nasa loob ng silid.

Kusa namang sumuko ang suspek sa mga otoridad.

Narekober mula sa pinangyarihan ng krimen ang isang magazine na may 13 bala at isang gamit na bala ng 9mm.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending