HELLO, Ateng.
Yishe po ito. Mag-iisang buwan na po akong buntis. Ayaw pong ipalaglag ng ama ang pinag bubuntis ko pero ako yung nagpupumilit. Nag-try po akong uminom ng gabot pampalaglag pero di po ako dinugo.
Pero naisip ko pong ituloy na lang ang pinagbubuntis ko. Dahil sa na-take kong gamot, maapektuhan po kaya ang pinagbubuntis ko?
Naku, Neng, hindi ako doktor para masagot yang mga tanong mo tungkol sa pag-inom ng gamot na pampalaglag. Pero simpleng cause and effect lang naman yan di ba? Ano man ang ipinasok natin sa katawan natin, may epekto syempre.
Obviously, hindi ka nag ingat nung una kaya ka nabuntis. And again, hindi ka nag iisip na naman kaya ka uminom ng kung ano at ngayon natataranta ka kung ano mangyayari sa anak mo.
I suggest ipagtapat mo yan sa magulang o sa kamag anak mo na malapit sa yo dahil halatang hindi ka nakakapag-isip ng tama at dapat.
Wag ka masyadong mag-rely sa ama ng pinagbubuntis mo dahil halata ring hindi ka nya mapapanagutan.
Humanap ka ng support system mo na handang tumulong at umalalay sa iyo.
At higit sa lahat, kumonsulta ka na agad sa doktor.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.