2 tigasing male celeb nag-isnaban sa b-day party dahil sa politika | Bandera

2 tigasing male celeb nag-isnaban sa b-day party dahil sa politika

Ambet Nabus |May 02,2019
facebook
share this

2 tigasing male celeb nag-isnaban sa b-day party dahil sa politika

Ambet Nabus - May 02, 2019 - 12:35 AM


Kahit pala mga barako at mga nakilala sa showbiz bilang mga tigasin at palaban, ay marunong ding makipagplastikan at mang-isnab.

Sa isang bonggang okasyon na parehong imbitado ang dalawang kilalang male stars, naging kapuna-puna ang kanilang pagdededmahan, mereseng ni-request ng nag-imbita ang pagsasama-sama nila sa isang groufie just to celebrate the fun.

Kunwaring nagkamayan daw ang dalawang higanteng male stars sa harap ng common friend nilang birthday celebrator, pero nu’ng magpipiktyuran na nga ay kapwa tumungo ang mga ito sa magkaibang direksyon, to avoid each other and not to be seen together.

“Para din pala silang mga babae no! Nag-iisnaban at nagdededmahan na parang walang nakikita kahit magkaharap na. Akala ko kasi pag tigasin ang image mo sa showbiz, hindi kayo nagpapaapekto sa mga intriga. Mukhang hindi lang intriga ang isnaban nila, ha!” sey ng isang source.

Balitang kahit noon pang kapwa sila sikat na sikat sa showbiz ay never daw talagang nagkasundo sa mga prinsipyo at isyung pulitikal ang dalawang personalidad.

At dahil kapwa sila aktibo sa pulitika sa mga panahong ito, obvious sabihing kontra pelo ang partido o paniniwala at sinusuportahan nila.

Nakakatawa lang dahil ini-imagine namin kung marunong din kaya silang magtaas ng kilay o umirap o magpahaba ng nguso to show their true feelings!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending