3 empleyado ng DoTr positibo sa drug test
TATLO sa 806 empleyado ng Department of Transportation ang nagpositibo sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.
Ang tatlo ay sasailalim sa confirmatory test upang makasiguro ang ahensya sa resulta.
Nakipag-ugnayan ang DoTr sa Dangerous Drugs Board na siyang nagsagawa ng mandatory drug testing.
Ayon kay Transportation Sec. Arthur Tugade ang ahensya ay nagpapatupad ng “zero tolerance” sa korupsyon at paggamit ng ipinagbabawal na gamot.
Noong nakaraang linggo ay isang orientation seminar sa Drug-Free Workplace ang isinagawa sa DOTr Central Office sa Clark, Pampanga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.