Libel case ni Gretchen Fullido laban kina Ces Drilon, Marie Lozano ibinasura ng korte
NADISMIS ang kasong libel na isinampa ni Gretchen Fullido laban sa tatlong kasamahan niya sa ABS-CBN.
Inirekomenda ng Quezon City Prosecutor’s Office an pagbasura sa libel case laban kina ABS-CBN journalist Ces Drilon, ABS-CBN news reporter Marie Lozano, at ABS-CBN news executive Venancio Borromeo.
Ayon sa resolusyon ng korte, ang mga “sworn statement” nina Drilon, Lozano at Borromeo tungkol kay Fullido na isinumite sa ABS-CBN Ad Hoc Investigating Committee ay hindi “defamatory.”
“In our point of view, the person who executed the same is merely stating her opinion or observation. Also, relaying to another person words which you previously heard is not defamatory and malicious,” bahagi ng resolusyon na nilagdaan ni Quezon City Assistant City Prosecutor Arceli Ragsac.
Kaugnay pa rin ito ng pagtestigo nina Drilon, Lozano at Borromeo sa sexual harassment complaint na isinampa ni Gretchen noong 2017 sa dating TV Patrol supervising producer na si Cheryl Favila at TV Patrol segment producer na si Maricar Asprec.
Sinabi ni Ces na walang katotohanan ang mga akusasyon ni Gretchen sa dalawang kasamahan nila sa news department ng ABS-CBN.
Sa hiwalay na resolusyon para naman sa complaint ni Gretchen laban kay Borromeo, narito ang sabi ng korte, “The statements were made in good faith since he (Borromeo) submitted it to the committee who, in respondent’s opinion, could address the issue or issues confronting his colleagues. He did not indiscriminately circulate it to any other person.”
Habang sinusulat ang balitang ito, wala pang inilalabas na official statement ang kampo ng Star Patroller na si Gretchen Fullido.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.