11 tips para cool pa rin ngayong tag-init | Bandera

11 tips para cool pa rin ngayong tag-init

- March 11, 2019 - 08:00 AM


PAINIT na naman nang painit ang panahon. Hudyat na ito na papasok na ang panahon ng tag-init.

Kaya naman naririto ang ilang paalala para maginhawa pa rin ang pakiramdam ngayong summer.

1. Iwasan magbilad sa araw, lalo na sa pagitan ng alas-10 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon.

2. Magsuot ng puti o mga light colored na damit. Mas mainam na cotton ang damit dahil mas presko.

3. Huwag kalimutan ang payong o kaya naman ay cap para proteksyon sa tindi ng sikat ng araw.

4. Bigyang protek-syon ang mga mata, magsuot ng shades.

5. (Kung hindi sasakay ng MRT o LRT) Magbaon ng tubig na may yelo. Mainam na pamatid uhaw sa gitna ng matinding sikat ng araw.

6. Uminom ng walo hanggang 12 baso ng tubig kada araw. Mabuting hydrated ka para presko na iwas pa sa sakit.

7. Kung maaari ay umiwas sa pag-inom ng kape, soft drinks o alak dahil ito ay isa sa mga dahilan ng dehydration.

8. Uminom ng buko juice at kumain ng pakwan. Parehong alkaline water ang tubig ng buko at pakwan kaya mabuti ito sa iyong katawan.

9. Relax lang sa trabaho. Sa oras ng break, siguraduhin na may maiinom na malamig na tubig o kaya ay natural fruit juices.

10. I-limit ang ehersisyo sa umaga kung kailan medyo malamig pa. Hinay-hinay lang din kasi mahina ang katawan ng tao kapag mainit.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

11. Tiyakin na laging malinis ang electric fan o air con para ma-maximize ang lamig nito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending