Gulay, isda mainam sa buntis para iwas high blood | Bandera

Gulay, isda mainam sa buntis para iwas high blood

Leifbilly Begas - February 18, 2019 - 08:00 AM

MAKATUTULONG sa mga buntis ang pagkain ng gulay at isda upang maiwasan ang high blood pressure pre-eclampsia.

Sa isinagawang pag-aaral ng mga mananaliksik sa Imperial College London at University of Bristol, sinuri ang datos mula sa 55,138 babae na kasali sa Danish National Birth Cohort.

Ayon sa resulta, bu-mababa ng 14 na porsyento ang tyansa na magkaroon ng gestational hypertension ang mga buntis na kumakain ng gulay at isda. Bumababa naman ng 21 porsyento ang tyansa na magkaroon ang mga ito ng eclampsia.

Ang Western diet o madalas na pagkain ng patatas, karne, white bread at margarine ay nagpapataas naman ng gestational hypertension ng 18 porsyento, at 40 porsyento sa pre-eclampsia.

Ang mga babae na mayroong high blood pressure o pre-eclampsia ay mas mabigat din ang timbang.
Sinabi ni Emmanuella Ikem, may-akda ng pag-aaral, na mahalaga na mapangalagaan ang kalusugan ng mga buntis sa pamamagitan ng tamang pagkain at pagbawas sa processed food.

Inirerekomenda ang pagkain ng limang hiwa ng iba’t ibang prutas at gulay araw-araw sa halip na kumain ng mga pagkain na mataas ang fat content.

Makatutulong din umano ang pagkain ng isda gaya ng mackerel, salmon at tuna isang beses kada linggo.

Sa naunang pag-aaral, isa sa bawat 10 buntis ang mayroong high blood pressure o hypertension. Ang pre-eclampsia, isang kondisyon na iniuugnay sa high blood pressure na nagdudulot ng seryosong komplikasyon sa ina at sanggol sa sinapupunan nito, ay nakakaapekto naman sa 2 sa bawat 10 sanggol.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending