Taekwondo jin ng GenSan, triple-gold medalist sa 2019 Batang Pinoy | Bandera

Taekwondo jin ng GenSan, triple-gold medalist sa 2019 Batang Pinoy

- February 05, 2019 - 04:29 PM
  Province of Davao del Norte—Humakot ng tatlong gintong medalya ang pambato ng General Santos City sa taekwondo Martes ng umaga sa  2019 Batang Pinoy Mindanao Leg na ginaganap sa Davao del Norte Sports Complex dito.   Ito ay matapos na pagharian  ng National Junior Pool member na si Paul Anthony Rodriguez  ang tatlong events sa taekwondo:  ang junior pair, junior team at individual junior poomsae event.   Hindi inaasahan ng 13-anyos na si Rodriguez ang kanyang pagkopo ng tatlong gintong medalya sa mga nasabing events gayung aniya ay wala siyang pahinga sa kakaensayo.   “Surprised po ako kasi talagang naghirap po kami sa training,” sabi ng  grade 7 student ng Holy Trinity College ng General Santos City. “Six times a week po kung mag ensayo kami.”   Gayunman ay hindi naman bago kay Rodriguez ang makakuha ng ginto sa taekwondo gayung noong nakaraang 2018 Batang Pinoy National Finals na ginanap sa Baguio ay nakadalawang ginto siya, pati na sa 2018 Mindanao leg na ginanap naman sa Oroquieta.   Naging inspirasyon ni Rodriguez ang kanyang mga kapatid na aniya ay naglalaro din ng taekwondo, at plano niyang ipagpatuloy ang kanyang paglalaro ng nasabing sports upang makapaglaro sa ibang bansa.   “Pangarap ko po na makapaglaro sa ibang bansa balang araw, at mai represent ang country natin” dagdag pa ng pambato ng GenSan.   Samantala, hindi rin nagpahuli sa paghakot ng ginto ang pambato ng South Cotabato sa archery matapos na kunin ni Grace Signacion ang kanyang ikalawang ginto  sa Yeoman individual girls Olympic round matapos nitong kunin ang unang ginto buhat sa Yeoman 72 round noong Lunes.   Nakuha ng pambato ng City of Koronadal na si Samantha Isabel Lorieno ang silver medal habang bronze naman ang naiuwi  isa pang pambato ng South Cotabato na si Krizleyn Hope Ferrer.   Dalawang ginto rin  ang naitala ng duo nina Jan Ryl Gabatilla at Kathleen Mae Catapan ng Panabo City sa Dancesports matapos silang magwagi sa Juvenile  C Standard at Junior A standard event.   Sa chess naman ay dinomina ng manlalaro ng GenSan ang Rapid Boys 12-under at Rapid Boys 13-15 nang pagharian nina Clint Calvin Atoc at Hein Angelito Aparte ang mga nasabing event ayon sa pagkakasunod.   Sa Rapid girls 13-15 ay nakuha naman ni Aliyah Rae Lumangtad ng host City Davao del Norte ang ginto, habang si Ruelle Canino ng Cagayan de Oro City naman ang siyang nakapag-uwi ng ginto buhat sa Rapid girls 12.   Ang siyam na araw na  kompetisyon ay kabilang sa grassroots sports program ng Philippine Sports Commission at suportado naman ng STI at ng Alfalink Total Solutions.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending