Kilalang female TV personality wais sa pera, champion sa tawaran

By Cristy Fermin January 11,2019
share this

Kilalang female TV personality wais sa pera, champion sa tawaran

By Cristy Fermin January 11,2019
share this

SA isang malamig na bansa ay kilalang-kilala ang isang lugar kung saan makakabili ng mga pasalubong sa napakamurang halaga lang. Alam na alam ‘yun ng mga Pinoy.

Isa sa mga regular na suki sa lugar na ‘yun ang isang kilalang-kilalang female personality ng telebisyon.

Taun-taon ay pumapasyal siya sa naturang lugar para mamili ng kanyang mga pasalubong pag-uwi dito.

Kuwento ng aming source, “Wala siyang kasama, siya lang ang mag-isang ikot nang ikot sa place.

Napakasimple lang ng ayos niya, wala siyang make-up. Napakasimple niya.

“Ang layu-layo ng itsura niya kapag nasa TV na siya, bonggang-bongga ang damit niya, fully made-up siya. Pero kapag nagpupunta na siya sa place kung saan murang-mura ang mga bilihin, parang hindi siya sikat dito sa Pilipinas,” simulang chika ng aming source.

Marunong siyang tumawad, magaling siyang pumili ng magagandang goods, alam na alam niya talaga kung saan siya makatitipid.

“May isang Pinoy store du’n na pinakiusapan niyang pag-iwanan ng mga napapamili niya, natural, welcome na welcome naman siya du’n, dahil sikat nga siyang TV personality!

“Lahat ng pinamimili niya, iniiwanan muna niya sa store ng kababayan natin, tapos, ikot na naman siya nang ikot, napakasipag niya talagang galugarin ang buong lugar na pagkalaki-laki!” sabi uli ng aming impormante.

Kumakain siya sa tabi-tabi lang, hindi sa restaurant, kaya hangang-hanga sa kanya ang mga Pinoy na madalas magpunta du’n para makamura rin sa kanilang mga pampasalubong.

“Nagpapa-picture siya sa mga Pinoy, hindi siya tumatanggi. Kahit naman kasi wala siyang make-up, e, ang ganda niya pa rin kahit hindi na siya masyadong bata.

“Pagdating niya rito, tuwang-tuwa ang mga pinasasalubungan niya, bakit nga naman, imported ‘yung mga pampasalubong niya, kesehodang sa murang halaga lang niya ‘yun nabili!

“Ang mahalaga, e, marunong siyang makaalala, marunong siyang mag-share ng mga biyayang tinatanggap niya. Handa na ba kayong hulaan kung sino siya?

“Wala kayong upuan ngayon sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday!” pagtatapos ng aming source.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending