AFP pinangalanan ang MM schools na umano’y sangkot sa ‘Red October’
PINANGALANAN ng isang opisyal ng militar ang mga paaralan sa Metro Manila kung saan umano nanghihikayat ang Communist Party of the Philippines (CPP) para lumahok sa “Red October” plot na naglalayong patalsikin si Pangulong Duterte.
Kinilala ni AFP Assistant Deputy Chief of Staff for Operations Brig. Gen. Antonio Parlade Jr., ang mga unibersidad na:
University of the Philippines Diliman
University of the Philippines Manila
Polytechnic University of the Philippines- Sta. Mesa
Ateneo de Manila University
De La Salle University
University of Santo Tomas
Adamson University
Far Eastern University
University of the East- Recto
University of the East – Caloocan
Emilio Aguinaldo College
Earist-Eulogio Amang Rodriguez
San Beda University
Lyceum University
University of Makati
Caloocan City College
University of Manila
Philippine Normal University
Sa pagdinig sa Senado, ibinunyag ni AFP chief of staff Gen. Carlito Galvez Jr. na hinihimok umano ng mga komunistang grupo ang mga estudyante sa ilang paaralan sa Metro Manila para siya patalsikin.
“Ini-incite nila ang mga estudyante na mag alsa dahil nga dito sa mga issues ng EJK (extrajudicial killings),” sabi Parlade.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.