Marian preggy uli; Dingdong pinal nang hindi tatakbo | Bandera

Marian preggy uli; Dingdong pinal nang hindi tatakbo

Djan Magbanua |September 25,2018
facebook
share this

Marian preggy uli; Dingdong pinal nang hindi tatakbo

Djan Magbanua - September 25, 2018 - 06:54 PM

Confirmed. Marian Rivera is pregnant.

Inihayag  ito ng Primetime Queen ng GMA sa kanyang Instagram account na @marianrivera.

“My heart overflows with gratitude and humility. Dong and I, with our Zia, have been gifted with the miracle of life looking forward to meeting our little one soon!”

Yan ang caption ni Marian kasabay ng larawan ng ultrasound na may tag na, ‘We’re expecting!’ sa itaas.

Samantala, mukhang nagkaroon na ng finalization para kay Dingdong Dantes patungkol sa mga usapang pagtakbo nito.

Sa isang official statement galing sa asawa ni Marian, ipinahayag ni Dingdong na mas pagtutuunan niya ng pansin ng kanyang pamilya.

Narito ang kabuuang pahayag:

“Marami ang nagtatanong kung tatakbo ako sa darating na eleksyon, at marami rin ang humihingi ng pormal na sagot.

Ang pagkakataong maglingkod bilang Commissioner-at-Large ng National Youth Commission, at tumulong sa pamamagitan ng YesPinoy Foundation at ng YesPH Community Development, ang ilan sa mga naging inspirasyon ko upang patuloy na magsilbi sa bayan. Pero naniniwala ako na ang pagiging public servant ay isang mabigat na responsibilidad na dapat pinag-aaralan, pinaghahandaan at, higit sa lahat, ipinagdarasal.

Kung gagawa ako ng malaking hakbang para sa darating na halalan, hindi lamang isang simpleng decision-making ang dapat kong pagdaanan. I should be able to discern His Will and seek guidance.

And in the process of my discernment, I received His response in the most surprising and beautiful way. With overflowing joy, Marian and I, are happy to share with everyone that we have been blessed with another child! Natupad na rin ang matagal ng dasal naming mag-asawa, lalung- lalo na ni Zia. ??

At sa kabila ng buong suportang ibibigay sa akin ni Marian, ng buong pamilya, at mga kaibigan sa anumang magiging desisyon ko sa pagsabak sa pulitika, malinaw sa akin na sa panahong ito ay kailangan kong maging buo para sa aking pamilya.

My discernment revealed what is truly important in my life— panahon ito para suportahan ang pagdadalang-tao ng aking asawa.

Life has presented me with two good aspirations, and I can always rationalize to weigh the pros and cons. But I know that, at this point, I am being redirected to my reason of creation— my family. My humble service to the public will continue and it could take a different form or level in the future; but first, I have to ensure that my home is protected and secured before I can take care of others.

Sa aking pamilya at mga kaibigan, thank you for always trusting my judgement and direction. Sa lahat ng nagmamahal sa amin nina Marian at Zia, na umaasang lumaki ang aming pamilya, thank you for your prayers.

Sa lahat nang humihikayat sa aking lumaban sa darating na eleksyon, salamat sa inyong tiwala at suporta. Ngayon, habang nag-aaral, naghahanda, at naglilingkod ako bilang isang volunteer at private citizen, umaasa akong patuloy pa rin ang ating pagtutulungan para sa ikabubuti ng ating bayan, sa anumang paraan— maliit man o malaki, may posisyon man o wala. Nawa’y ang bawat kabataang kabahagi ng aming mga adbokasiya ay patuloy ding mangarap at maglingkod sa kanilang mga pamilya, paaralan at komunidad.

And to all my fellow Filipinos, I am with you in believing that in times of uncertainty, God’s unfailing love will always reign supreme. Thank you and I humbly request for your continued prayers of protection and good health for my family, especially on Marian’s second pregnancy.

#YesAnotherDantes
#BigSisZia
#4DnaKami
#YesSheIsBuntis
#Number2″

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Congratulations Marian at Dingdong!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending